^

PSN Showbiz

Mga ikakasal natatakot sa ginawa ni Dingdong!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Curious ako na malaman kung saan dinala ang mga bulaklak na ginamit sa wedding reception nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Libu-libo ang mga bulaklak na ginamit sa wedding reception at kahit i-take home pa ‘yon ng mga bisita, sobra-sobra pa rin.

May mga kakilala ako na umpir sa wedding reception at nag-uwi ng bulaklak dahil nagandahan sila. ‘Yung iba, inilagay sa kanilang mga altar ang mga bulaklak at ‘yung iba naman, ginamit na dekorasyon sa kanilang mga living room at dining table.

Alam nating lahat na idinaos ang wedding reception sa Mall of Asia Arena pero hindi alam ng iba na limang araw ang setup ng wedding reception sa nasabing lugar. Ang ibig sabihin, limang araw na nirentahan ni Dingdong ang MOA Arena para lang sa wedding reception nila ng kanyang asawa. Sosyal ‘di ba?

Natatakot na ang ibang mga mhin na nagbabalak magpakasal dahil nagkaroon ng brilliant idea ang kanilang mga bride-to-be na puwede palang rentahan ang MOA Arena para sa wedding reception.

Gumawa ng kasaysayan sina Dingdong at Marian dahil sila ang first celebrity couple na gumamit sa MOA Arena bilang wedding reception.

Kuya Germs pinayuhan ng mga doctor ng complete rest

Kumbinsido ako na over fatigue ang dahilan ng stroke ni German Moreno aka Kuya Germs.

Nagpunta pa pala si Kuya Germs sa New Year Countdown ng GMA-7 sa bayside ng Mall of Asia Arena.

Literal na walang tulugan si Kuya Germs noong Bagong Taon dahil sa nag-join siya sa New Year Countdown.

Friday morning nang maramdaman ni Kuya Germs na hindi niya maikilos ang kanyang right arm at right leg. May slur na rin ang pagsasalita niya kaya isinugod siya ng kanyang anak na si Federico sa St. Luke’s Medical Center.

Forty-eight hours na inobserbahan si Kuya Germs ng kanyang mga doktor kaya inilagay siya sa Acute Stroke Unit ng St. Luke’s.

Patuloy na ipinagdarasal ng mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Kuya Germs ang kanyang quick recovery.

Complete rest ang payo kay Kuya Germs ng mga doktor kaya absent muna siya sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman sa Biyernes.

Workaholic si Kuya Germs. Hindi siya sanay nang walang ginagawa. Knowing him, tiyak na inip na inip na siya sa ospital. Kung hindi pa nagkaroon ng sakit si Kuya Germs, hindi siya makapagpapahinga ng ilang araw.

Heart naintindihan na hindi rin ako dadalo sa wedding reception nila ni Sen. Chiz

Sinabi ko na kay Heart Evangelista noong Sabado na hindi ako makakadalo sa wedding reception nila ni Senator Chiz Escudero sa susunod na buwan dahil hindi ako nagpupuyat sa gabi.

Naintindihan naman ni Heart ang valid explanation ko. I’m sure, nalaman niya na hindi ko rin sinipot ang wedding reception nina Dingdong at Marian, kahit isa ako sa mga ninang.

Pagkatapos ng church wedding noong December 30, dumiretso ako sa Camp Crame at dinalaw sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada. Mula sa Camp Crame, umuwi na ako ng bahay at natulog nang maaga. Nabura na talaga sa sistema ng katawan ko ang pagpupuyat.

Roxanne binitbit ang BF na si Will sa wedding ng bestfriend na si Marian

Si Will Devaughn pala ang boyfriend ni Roxanne Barcelo, ang bestfriend ni Marian Rivera.

Nakita ko si Will sa Immaculate Conception Cathedral sa araw ng kasal nina Marian at Dingdong.

Ipinagtaka ko ang presence ni Will dahil wala akong naaalaala na nagkasama sila ni Dingdong o ni Marian sa mga teleserye ng GMA 7.

Nasagot ang tanong ko nang sabihin sa akin na boyfriend ni Roxanne si Will.

vuukle comment

AKO

CAMP CRAME

GERMS

KUYA

KUYA GERMS

MALL OF ASIA ARENA

RECEPTION

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with