^

PSN Showbiz

Female singer, isinusuka ng mga katrabaho dahil sa sobrang katakawan sa tulog

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May female version pala ang isang singer-actor na kung tawagin ng kanyang mga kasamahan ay speedy bagal. May katamaran-kabagalan ang magaling pa namang singer-actor, ang dahilan kung bakit ito iniwan ng kanyang misis nu’n, mabuti na lang at may namagitan sa kanila kaya nagsasama na naman sila ngayon.

Meron nang babaeng bersiyon ang singer-actor, ang singer na may mga pinasikat na kanta, pero wala namang disiplina sa kanyang propesyon.

Magaling siya, totoo ‘yun, pero dahil sa kanyang unprofessionalism ay maraming trabaho ang nawawala sa kanya. Minsan lang siyang kukunin, pero pagkatapos nu’n ay hindi na nasusundan ang kanyang raket, hindi masakyan ng mga show promoters ang kanyang ugali.

Ibang klase palang matulog ang female singer na ito, ano’ng panama sa kanya ng mantika kapag malamig ang panahon, walang kahit sino’ng makapanggising sa kanya dahil magwawala siya.

“May gig ang banda niya, set na nila, pero wala pa ang bokalista, paano magsisimula ang show nila? Kapag dumating siya, nakasimangot pa, ni hindi siya marunong manghingi ng dispensa sa mga taong pinaghintay niya?

“Wala siyang discipline, ‘yun din ang reason kung bakit siya natanggal sa isang variey show, narindi sa kanya ang director at ang production staff dahil hindi siya dumarating sa rehearsal, iniiba niya ang version ng study tape na ipinadadala sa kanya!” kuwento ng isang source.

Wala na siyang banda ngayon, pero nagpa-audition na naman siya ng mga bagong makakasama, good luck na lang ang nasabi ng kanyang mga dating katrabaho.

“Saan ka naman makakakita ng vocalist na inaantok na sa kahihintay ang mga kabanda niya, pero naghihilik pa pala siya sa sarap ng tulog? Alam niya namang may trabaho siya, pero wala siyang pakialam sa oras, ganu’n siya katindi! Very unprofessional siya! Prima donna!

“Kaya naman pala pati mga bulate sa bundok, e, umaayaw sa kanya!” pagbibigay pa ng clue ng aming source. Ubos!

TV5 goodbye muna sa drama, Robin, Rommel, at BB magpapa-happy

Marami nang nag-aabang sa sitcom na pagbibidahan ng magkakapatid na Padilla. Nagte-taping na sina Robin, Rommel Padilla, at BB Gandanghari para sa 2 And A Half Daddies ng TV5.

Kuwento ni Robin ay ibang-iba ang takbo ng kuwento ng kanilang palabas, ayaw niyang magkuwento tungkol sa kanyang role, ang papel na ginagampanan ni BB Gandanghari ang palagi niyang pinapasadahan.

“May kissing scene siya dito. At hulaan n’yo kung kanino? Kay Alice Dixson!” ewan kung biro lang ang sinasabi ni Robin o totoong bahagi ‘yun ng kanilang sitcom.

Dapat sana’y babalik na sa Amerika si BB dahil meron pa itong tatapusing trabaho pero dahil sa gagawin nilang sitcom nina Robin at Rommel ay humaba ang kanyang pamamalagi dito.

Nasilip na namin ang kuwento ng 2 And A Half Daddies, hindi lang ‘yun basta sitcom, kundi mapusong palabas na siguradong ikatutuwa ng manonood.

Ito ang unang proyekto ni BB Gandanghari mula nang maglantad ito ng kanyang gender. At kung dati’y nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina BB at Robin dahil sa isyu ay nakikita naman ngayon ng kanilang mga katrabaho ang pagmamahalan ng mag-utol.

“Mabait talagang kapatid si Robin. Alagang-alaga niya sina Rustom at Rommel sa set. Malambing si Robin, may malasakit siya sa mga utol niya. Instead na siya ang alagaan dahil bunso siya, e, si Binoe pa ang maasikaso sa mga kapatid niya,” kuwento ng kanilang staff.

Maraming bagong programa ang TV5 ngayong 2015, karamihan ay puro komedya, dahil ayon na rin sa teaser ng network ay goodbye na muna sila sa drama.

Happy network nga ang TV5.

vuukle comment

A HALF DADDIES

DAHIL

GANDANGHARI

KANYANG

NIYA

PERO

ROBIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with