^

PSN Showbiz

Vina itinatago sa anak ang mga kinasasangkutang gulo ni Cedric

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging kontrobersyal ang businessman na si Cedric Lee nang masangkot sa gulong may kaugnayan kay Vhong Navarro noong January.

Samantala, limang taon na ngayon ang anak nina Cedric at Vina Morales. Ayon sa aktres ay hindi raw sila nagkikita ni Cedric at nagkakausap na lamang sila sa pamamagitan ng kanilang mga abogado para sa kanilang anak. “I haven’t seen him. I haven’t talked to him. If we talk about our kid, it’s lawyer to lawyer. Hindi ganoong maayos ‘yung situation but things might change, but not to the extent na, siyempre to me it’s really over,” bungad ni Vina.

Hindi rin daw nakikialam ang aktres sa mga gulong kinasasangkutan ni Cedric. “Wala akong masabi. Mahirap mag-comment, kapag mga ganyan kinakabahan ako. Kasi siyempre, I really don’t want to say bad things about him din naman because he’s still the father of my child. Kung ano man ‘yung nangyari between him and Vhong, ayaw kong makisali because hindi ako kasali sa sitwasyon,” paliwanag ng aktres.

Hindi rin daw ipinapaalam ni Vina sa kanilang anak ni Cedric ang tungkol sa mga negatibong isyung kinasasangkutan nito. “As a mother, now is not the time. She’s too young, she’s five years old. Bawal, ayaw kong ma-absorb niya ‘yon. Malalaman niya din ‘yon when she’s old enough. Igu-google niya lang ‘yung name ng dad niya, makikita niya na lahat ‘yun but not now,” giit pa niya.

Angel all out ang suporta kay Luis kahit marumi ang pulitika

Hanggang ngayon ay hindi pa rin desidido si Luis Manzano kung papasukin na rin niya ang mundo ng pulitika sa susunod na eleksyon. “I do have to think about running very soon. I’m still talking to a lot of people, mga bagong tao na nagugulat ako kung bakit ko na lang kinakausap and I will have a decision very, very soon. I still have to make my mind up very soon. Hindi ko kailangang i-broadcast kung sakaling tatakbo na ako. Hindi naman ako showbiz in that aspect. If I decide to run at siguro nagkataon na may interview na mangyari, I’ll be open about it or siguro makikita ako sa filing. As of this moment I’m taking everything in, all sides, both the pros and cons kung sakaling tumakbo ako. Ano ‘yung mga kailangan, nando’n pa ako sa lagay na ‘yun,” paliwanag ni Luis.

Suportado ng kasintahang si Angel Locsin ang planong pagpasok sa pulitika ng aktor. “Si Angel whenever we’d start talking about politics, grabe ‘yung suporta niya. Nagugulat ako kasi alam natin na medyo madumi ang mundo ng pulitika. Minsan bilang isang girlfriend or bilang isang soon-to-be wife ay sasabihin, ‘Ay! Huwag na, magulo ‘yung mundo na ‘yan.’ Pero si Angel has shown nothing but support since day one,” pagbabahagi ni Luis.  

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

CEDRIC

CEDRIC LEE

IF I

LUIS

LUIS MANZANO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with