^

PSN Showbiz

Puso ni Derek pahinga muna sa babae

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi na mahalaga sa Kapatid hunk actor na si Derek Ramsay kung ano’ng klaseng amicable settlement nagkaroon sila ng kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly. Ang importante ay tapos na ang  bangungot sa kanyang buhay at simula na ang bonding moments nila ng kanilang 11-year-old son na si Austin na matagal nawalay sa kanya.

Habang inspired si Derek to spend more time with his son, tuluy-tuloy din ang kanyang trabaho with TV5 and some endorsements.

Pagkatapos ng short-lived relationship with Cristine Reyes, pahinga muna ang puso ni Derek lalupa’t kagagaling pa lamang niya sa isang masalimuot na legal battle with ex-wife na si Mary Christine.

Iñigo at Julian aminadong malayo pa ang lalakbayin

Since parehong anak ng mga pamosong ama sina Iñigo Pascual at Julian Estrada, hindi talaga maiaalis na sila’y makumpara sa kanilang famous dads na sina Piolo Pascual at Sen. Jing­goy Estrada.

Sa halip na maging disadvantage, mas mala­king advantage ang makukuha ng dalawang new teen actors dahil sa goodwill ng kanilang popular celebrity fathers. Pero aware rin ang dalawang young actors na hindi maiiwasan ang comparison.

“May mga napatunayan at narating na ang a­ming mga dad at kami naman ay ngayon pa lamang nag-uumpisa.  I guess, we still have a long, long way to go,” simpleng pahayag ng teen son ni Sen. Jinggoy Estrada at wife nitong si Precy Vitug-Ejercito.

“Please give us time,” dugtong pa ni Julian sa presscon ng teen movie na Relaks, It’s Just Pag-ibig na produced ng Spring Films na pag-aari nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at iba pang business partners.

Wish ni Julian na kumita sa takilya ang Relaks, It’s Just Pag-ibig at makalaya na ang kanyang naka-detain na ama na si Sen. Jinggoy Estrada para maging masaya ang dara­ting na Pasko sa kanilang pamilya.

vuukle comment

CRISTINE REYES

DEREK

DIREK JOYCE BERNAL

JINGGOY ESTRADA

JULIAN ESTRADA

JUST PAG

MARY CHRISTINE

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with