^

PSN Showbiz

Georgina Wilson bagong host ng Asia’s Next Top Model

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napuno ng congratulatory wishes and messages ang Instagram (IG) account ni Georgina Wilson nang mabalitang siya ang host ng Asia’s Next Top Model (ANTM) Season 3. Marami rin ang nag-like ng publicity photos niya para sa ANTM3 na ang make-up ay gawa ni Solenn Heussaff.

Post ni Georgina sa IG: “I’ve been SO excited about this announcement and been keeping it for months now! Extremely honored to be hosting Asia’s Next Top Model!!! Career milestone!!!”

Pinalitan ni Georgina bilang host ang Indonesian model/actress na si Nadya Hutagalung. Hindi lang sinagot ni Georgina ang mga tanong kung kailan at saan gagawin ang ANTM.

Namana ang talent nina Ogie at Regine

Baby Nate gumagawa na ng sariling kanta

Nakasulat na guests sa TBT (Total Balik Tugtugan) concert ni Ogie Alcasid sa November 29, 8:00 pm., sa Solaire Grand Ballroom sina Regine Velas­quez, Manilyn Reynes, Janno Gibbs, Dingdong Avan­zado, Jojo Alejar, at Roderick Paulate.

Natatandaan namin, sila rin ang sinabing guests sa Throwback Thursday concert ni Ogie sa Music Museum last August 28. Pero sa gabi ng concert, wala sina Roderick at Manilyn. Sana this time, dumating na ang dalawa para kompleto ang grupo.

Nakita pala namin sa IG ang simple pero masayang third birthday celebration ni Nate Alcasid last Friday sa kanyang school. Nag-aaral na si Nate at napakatalinong bata. Napapanood namin ang posted videos niya nina Ogie at Regine at mukhang magiging singer at composer din ito dahil gumagawa ng sariling kanta.

Samantala, sa Nov. 17, ilu-launch na ang ta­lent agency ni Ogie na tinawag niyang A­Team o Alcasid Talent Entertainment Artist Management. Si­ngers at songwriters ang haha­wakang talents ni Ogie. Ang tatlong una niyang talents ay sina Q-York, Davey Langit, at Lara Maigue na pare-parehong fina­lists sa Philpop. Ginagawa na raw ang albums ng tatlo.

Kuwento ng ma­nager ni Ogie na si Leo Dominguez, inoperan siya ni Ogie na mag-join sa ATeam, pero tumang­gi siya dahil hindi niya forte ang mag-manage ng singers. Wala ring conflict na he manages Ogie at may mina-ma­nage ito.

vuukle comment

ALCASID TALENT ENTERTAINMENT ARTIST MANAGEMENT

BABY NATE

DAVEY LANGIT

DINGDONG AVAN

GEORGINA

NEXT TOP MODEL

OGIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with