^

PSN Showbiz

Sakit ni Sandy Andolong nadadala na sa gamot, kidney transplant hindi muna itinuloy, Karla sopla sa blind auditions ng The Voice

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ginulo ng magpa-partner na sina Kuya Germs at Shalala, Gladys Reyes at Carmi Martin, at sina Mark Herras at Rainier Castillo ang Celebrity Bluff para sa Halloween episode ng naturang celebrity game/comedy show.

Ang dapat na horror episode ay naging riot ang katatawanan lalo na sa mga kalokahan ni Boobay na isa sa mga bluffers kasama sina Jose Manalo at Brod Pete.

PAK: Dumalo ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa birthday party ni Coco Martin nung nakaraang Miyerkules at doon pinabulaanan ng mag-asawa na may malubhang sakit si Sandy.

Totoong may sakit pa rin ang aktres sa kidney pero nadadala naman ito sa medication at patuloy na tinututukan ng kanilang doktor.

Dapat ay magkakaroon pa nga ng kidney transplant pero nadadala naman daw sa gamot.

Mas concern pa ngayon ni Sandy ang kalagayan ng kanilang anak na si Miguel na nasa Amerika pa at nagpapagamot sa sakit na Cancer.

Saad ng aktres: “I’m very much concentrated on the welfare of my son. I want him to get well soon and I told him that, ‘My only wish for Christmas is to hear from your doctor, who is a very good doctor that you are cancer-free.”

BOOM: Isa sa ikinaloka naming napag-usapan sa birthday party ni Coco ay ang pag-audition daw ni Karla Estrada sa The Voice.

 Narinig namin sa umpukan ng ilang reporters na gusto raw talagang ma-experience ni Karla ang The Voice kaya naglakas-loob itong mag-audition.

Unfortunately, walang upuan ng mga judge na umikot.

Pagkatapos ng kanta ni Karla, gulat na gulat daw si Sarah Geronimo at nagsu-sorry.

Si Lea Salonga naman ay tila nataranta dahil nakilala nga niya si Karla pero hindi matandaan kung ano ang pangalan. Tinanong pa raw ang dating sexy actress/singer kung ano ang pangalan niya.

‘Di ba’t nagkaroon pa ng isyu si Lea kay Daniel Padilla?

vuukle comment

BROD PETE

CARMI MARTIN

CELEBRITY BLUFF

COCO MARTIN

DANIEL PADILLA

GLADYS REYES

JOSE MANALO

KARLA

KARLA ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with