^

PSN Showbiz

Ginastusan ng gay businessman poging young actor nagpalagay ng ‘pampakiliti’ sa sandata!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag nakasalubong namin ngayon ang isang guwapong young actor na produkto ng isang reality show ay magiging malisyoso ang takbo ng aming utak.

Hindi kasi ang kanyang kaguwapuhan ang aagaw ng aming kamalayan, mas tututok ang aming isip sa isang kuwentong kinapapalooban niya, ang pagpapalagay ng “something” sa isang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi siya nagpa-botox, napakabata pa niya para dumaan sa ganu’ng proseso, hindi rin siya nagpatangos ng ilong dahil dati nang maganda ang hubog nu’n.

Siguradong makikiliti ang imahinasyon ng mga kababaihan at ng sangkabaklaan kapag nalaman nila kung ano ang ipinadagdag ng guwapong young actor sa kanyang katawan.

Kuwento ng aming source, “Nakakakilig na ang kaguwapuhan niya kahit nu’ng contestant pa lang siya sa isang reality show. Ihihiwalay mo ang itsura niya sa mga kasabayan niya.

“Pero ngayong meron pa pala siyang ipinalagay sa sandata niya, siguradong kikiligin sa kanya ang mga beking matagal nang nag-iilusyong makasama siya kahit sa panandaliang panahon lang,” nakikiliting kuwento ng aming impormante.

Maraming beking nagtatrabaho sa network kung saan siya kontratado ang nagsasabing “blessed” kuno ang young actor, taga-Dakota Harrison siya, hindi siya taga-Duty Free.

Pero may isa pang pinagpipistahang kuwento ang mga nakadiskubre sa ipinagawa ng young actor, ang kung sino ang sumagot sa pagpapalagay niya nu’n, bakit daw tseke ng isang gay businessman ang ipinambayad ng batang aktor?

Ang ibinigay na multiple choice ng aming mga impormante ay apat. Una, karelasyon siya ngayon ng gay businessman. Ikalawa, ‘yun ang gusto ng beking negosyante, ang magpalagay siya ng nakakikiliting “something” sa kanyang armas.

Ikatlo, siya ang bagong ipinalit ng gay businessman sa isang morenong young actor na matagal din nitong naging boy toy, tisoy naman kaya ang gusto ngayon ng beking negosyante?

At ikaapat—all of the above. Ubos!

Delubyong buhay ni Ruffa nakikita ni Annabelle sa bagong BF

Kumpirmasyon tungkol sa nakaraang karanasan ni Ruffa Gutier­rez sa poder ni Ylmaz Bektas ang pinakawalang komento ni Tita Annabelle Rama.

Boxing, tutukan ng baril, at pagkukulong kay Ruffa, marami siyang gustong sabihin, pero nu’ng kahihiwalay pa lang nila ni Ylmaz ay parang may kinatatakutan pa ang aktres.

Pero ang kanyang ina na mismo ang nagpatotoo ng mga pinagdaanan niya. sinasaktan siya nang pisikal ni Ylmaz, kaya boxing ang ginamit na termino ng kanyang mommy, kasama pa ang panunutok nito ng baril sa kanya.

At ang pagkukulong sa kanya sa cabinet. Gaano kaya kalaki ang mga cabinet nila para magkasya du’n si Ruffa? Delubyo nga pala ang naging karanasan ng aktres sa mga kamay ng banyaga, ‘yun ang dahilan kung bakit kumokontra si Tita Annabelle sa bago niyang karelasyon, kakilos daw kasi at kahawig ito ng ama ng kanyang mga anak.

Lumalambot na ang puso ng mag-ina, isang araw ay malalaman na lang natin na nagkaayos na sila, ganu’n lang naman ang away ng magnanay.

Hindi rin kayang tiisin ni Tita Annabelle ang kanyang anak at si Ruffa naman, sa aminin niya’t sa hindi ay hindi niya makakayang mabuhay nang wala si Tita Annabelle, peksman.

vuukle comment

ISANG

KANYANG

NIYA

PERO

RUFFA

SIYA

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with