^

PSN Showbiz

Mali-mali raw kasi sa mga direction, Juan Direction hunks Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh, tanggal na sa Amazing Race Philippines

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangatlong natanggal sa ikalawang season ng The Amazing Race Philippines ang Juan Direction hunks na sina Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh matapos silang mahuli sa ikatlong leg ng karera.

Sa nakaraang episode nitong Sabado, nag-unahan ang natitirang siyam na manlalaro mula sa isang pabrika ng puto sa Calasiao patungo sa Kapitolyo sa Lingayen, Pangasinan na siyang ikatlong pit stop ng karera.

Si Ritz Azul ang sumalubong sa mga racers bilang pit stop greeter kasama ng race master na si Derek Ramsay. Muli na namang nanalo ng PHP 200,000.00 mula sa Shell V Power Nitro Plus ang team Dating Couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker matapos silang muling mag-first place sa leg na ito. Sinundan sila ng mga chefs na sina Roch Hernandez at Eji Estillore, magka­patid na sina Jet at Yna Cruz, mag-amang AJ at Jody Saliba, at nerds na sina Vincent Yu at Ed Manguan.

Samantala, naka­bawi naman ang sexy besties na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer na umabot sa 6th spot matapos malagay sa alanganin nitong mga nakaraang legs. Sinundan sila ng team Mr. Pogi na sina Kelvin Engles at JP Duray, at nina blondies Tina and Avy Wells sa pangpito at pangwalong mga spots.

Huling nakarating ang team Juan D, kaya naman automatikong tanggal na sila sa karera.

Ngayong walo na lamang ang natitirang mga racers, mas lalo pang titindi ang real-life drama at aksyon, at mas dapat pang abangan ang mga bangayan at sagutan lalo pa’t mukhang napre-pressure na ang mga racers.

Matapos masaksihan ang makasaysayang pit stop exit nina Pinay World Champs Luz McClitton at Gretchen Albaniel at ang di-inaasahang matinding tensyon sa pagitan nina Kelvin at John Paul, mas lalo pang dapat abangan ang mangyayaring engkuwentro sa pagitan ng dalawang racers ngayong Linggo. May isang team naman ang masisira ang strategy bunsod ng kanilang pagbabangayan. Isang team ang makakakuha ng pinakamaraming U-Turn votes matapos ang kanilang di inaasahang diskarte noong nakaraang Leg.

Mapapanood ito gabi-gabi, 9:00 p.m. exclusively sa TV5!

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

CHARLIE SUTCLIFFE

DANIEL MARSH

DATING COUPLE

DEREK RAMSAY

ED MANGUAN

EJI ESTILLORE

GRETCHEN ALBANIEL

JECK MAIERHOFER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with