^

PSN Showbiz

Manolo inuulan na ng projects kahit kabago-bago lang

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isang malaking sorpresa sa manonood ng TV nang bigla ay bigyan ng lead role sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ang hindi man lamang nakabilang sa Top 4 ng PBB All In na si Manolo Pedroza. Ang higit na pinagtatakhan ng marami ay kung bakit sa isang palabas na itinuturing na pangunahing drama anthology ng bansa siya inilagay kung saan ay pawang magagaling sa pag-arte ang kinukuhang artista. Napapanood na siya sa teleseryeng Hawak Kamay ka-partner ng first runner-up sa PBB na si Mariz Racal.

Ellen hindi nahihiyang ipangalandakan na tomadora

Patuloy pa rin ang pagdating ng swerte kay Ellen Adarna. Siya ang napiling pinakabagong 2015 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) at natapat ang panahon niya sa selebrasyon ng ika-180 anibersaryo ng kumpanya. Natapat din ang kanyang launching sa pagpapalabas ng kanyang pelikulang Beauty in a Bottle ng Skylight at Quantum Films. Magkakatulong ang kanyang kalendaryo at mga proyektong pelikula at palabas sa TV para mas sumikat at lumaki pa ang kanyang pangalan.

Kung ang ibang mga artistang babae ay nahihiya pang umamin na umiinom sila, walang ganitong problema si Ellen. Inamin niyang umiinon siya regularly ng Ginebra ng hindi para malasing kundi isang paraan din ng pagpapakalma.

Taos puso akong nagpapasalamat

Bilang huli, pasasalamat na buong puso ang ibinibigay ko sa lahat ng tumulong para sa pagkakaro’n ko ng bagong buhay. Mula sa mga doktor at nurses ng Rizal Medical Center hanggang sa mga kaibigan at kaanak na nagdasal para sa aking kaligtasan. Kuya Germs, isa ka na rito, Virgie Balatico, Letty Celi, Salve Asis, Lanie Mate, Aaron Domingo, Cynthia Garcia, at Carmelites Rigonan, PMPC.

 

 

vuukle comment

AARON DOMINGO

ALL IN

CALENDAR GIRL

CARMELITES RIGONAN

CYNTHIA GARCIA

ELLEN ADARNA

GINEBRA SAN MIGUEL INC

HAWAK KAMAY

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with