^

PSN Showbiz

Enchong todo ang ginawang paggiling!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: “Napanood mo? Nagustuhan mo?” ang tanong ni Jeric Gonzales kay German Moreno sa guesting niya sa Walang Tulugan noong Sabado at nang mapag-usapan ang pelikulang Dementia. Nakalimutan ni Jeric na hindi sila magkaedad ni German at dapat nagbibigay respeto ang mga kabataan sa mga nakatatanda sa kanila. 

SCENE: Hindi nahirapan na maglinis ang mga janitor ng mga sinehan na pinagtatanghalan ng The Janitor. 

SEEN: Replay kahapon ang Sunday All Stars ng GMA-7 dahil naging busy ang staff ng show sa coronation ng Miss World 2014 na ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena. 

SCENE: Dinagsa ng manonood ang successful at star-studded show ng ASAP 19 stars sa Los Angeles Memorial Coliseum and Sports Arena noong Sabado, October 11. 

SEEN: Bigay na bigay ang paggiling at pagkadyot ni Enchong Dee sa Katawan production number nila nina Rayver Cruz, Gerald Anderson, at Robi Domingo sa ASAP19 show sa Los Angeles Memorial Coliseum and Sports Arena.

SCENE : Ang debut party ni Athena Gana Bautista sa grand ballroom ng Solaire Resort & Casino noong Sabado ng gabi. Si Athena ang panganay na anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang long time partner na si Tates Gana. 

SEEN: Pinagbigyan ni Athena Bautista ang pakiusap ni Mayor Herbert Bautista na ilipat sa ibang petsa ang 18th birthday celebration niya dahil may conflict sa busy schedule ng kanyang ama.

SCENE: Nag-audition si JM De Guzman para sa male lead role ng Two Wives ngunit si Jason Abalos ang masuwerte na napili na maging bida ng new primetime bida teleserye ng ABS-CBN. 

SEEN: Mabibili na sa mga bookstore ang Star Magic Catalogue 2015. Binigyan ng importansya sa 2015 catalogue ang inactive stars ng Star Magic na sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo.

 

vuukle comment

ATHENA BAUTISTA

ATHENA GANA BAUTISTA

DE GUZMAN

DIETHER OCAMPO

ENCHONG DEE

GERALD ANDERSON

LOS ANGELES MEMORIAL COLISEUM AND SPORTS ARENA

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with