^

PSN Showbiz

Mag-anak na Ogie, Regine, at Nate may participation sa kasal nina Marian at Dingdong

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Malaki ang pasasalamat ni Lani Mercado sa GMA 7 dahil hindi siya pinababayaan pagkatapos ng nangyari kay Sen. Bong Revilla.

Binigyan siya ng mahalagang papel sa  bagong GMA Telebabad na Strawberry Lane na pagbibidahan nina Bea Binene at Joyce Ching.

Kaya bukod sa pagdalaw kay Sen. Bong sa Camp Crame, at ang pagiging kongresista ng Lone District of Bacoor, naging abala rin siya sa taping tuwing Linggo.

Pero ang isa sa pinaghahandaan niya ngayon ay ang nalalapit na kaarawan ni Sen. Bong. Gagawin daw niya ang lahat, mapasaya lang ang asawa sa kaarawan nito.

Ayaw daw niyang magsenti si Sen. Bong sa kaarawan nito, kaya nandyan ang buong pamilya at malalapit na kaibigan sa mismong kaarawan nito. Pati ang mga kaibigan artista ay balak ding dalawin si Sen. Bong para batiin sa kanyang kaarawan.

PAK: Hindi na itinatago ni AiAi delas Alas na masaya ang love life niya at matagal na siyang may karelasyon, pero ayaw daw niyang i-showbiz ngayon. Iniiwasan na niyang pag-usapan at iniiwasan niyang lumabas ito sa media.

Natuto na raw siya sa mga nakaraang relasyon na laging nasa TV at pinag-uusapan. Ngayon ay mas gusto niyang tahimik dahil tingin daw niya, ito na ang last niyang karelasyon na tanggap na tanggap ng kanyang pamilya.

BOOM: Kamakalawa ng gabi ay sinilebrayt ni AiAi ang kaarawan ni Mama Mary na naging tradisyon na niya taun-taon.

Bukod sa bestfriend niyang si VP Jejomar Binay, isa sa dumalo sa misa na ginanap sa kanyang subdivision ay si Marian Rivera na naging close na rin sa kanya.

Kaya roon ay kinuwento na niyang isa siya sa mga abay sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang role niya, pero at least abay na raw siya ngayon at hindi ninang.

Ilan sa mga taga-showbiz na kinuhang ninong at ninang nina Dingdong at Marian ay sina Lolit Solis, German Moreno, Direk Joyce Bernal, Direk Mac Alejandre, Mr. Tony Tuviera, Lilybeth Rasonable, Wilma Galvante, at ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

May ilan pang ninong at ninang na personal daw nilang kakausapin.

Kasama rin daw sa entourage si Baby Nate nina Ogie at Regine.

vuukle comment

BABY NATE

BEA BINENE

BONG REVILLA

CAMP CRAME

DINGDONG DANTES

DIREK JOYCE BERNAL

DIREK MAC ALEJANDRE

GERMAN MORENO

JEJOMAR BINAY

NIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with