^

PSN Showbiz

Namamaho na sa buong kabahayan at nauubos ang kinikita sa pagkain, actress-TV host na santambak ang alagang pusa, kinalasan ng kinakasama

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Para namang hindi kapani-paniwala ang dahilan kung bakit tuluyan nang nawasak ang relasyon pati ang pagkakaibigan ng dalawang kilalang personalidad na nagsama nang matagal.

Parang kaduda-duda ang kuwento ng kanilang hiwalayan pero sumusumpa naman ang mga kaibigan nila na ‘yun ang totoong dahilan kung bakit nagkani-kanyang landas na ang dalawa.

Pusa. Hindi puso. Tama, pusa nga, at sangkatutak na pusa ang sangkot sa kuwento. ‘Yun daw ang de primerang dahilan kung bakit hindi na kinaya ng aktor ang lahat, naubos kuno ang napakahaba nitong pasensiya, kaya ito na mismo ang umalis sa tinitirhan nila ng isang magandang aktres-TV host.

Sa nakaraang buhay raw siguro ng aktres-TV host ay isa siyang inahing pusa. Napakalapit kasi ng kanyang loob sa mga pusakal, as in, pusang-kalye. Basta may nakita siyang kuting na pagala-gala ay hinihintuan niya at iniuuwi.

Palaging ganu’n ang ginagawa ng female personality, kaya dumami nang dumami ang kanyang alagang pusa, halos sa pagkain na ng kanyang mga kuting nauuwi ang kanyang kinikita.

Napakagandang katangian nu’n, maawain sa mga hayop ang babae, pero nararamdaman naman ng aktor na nababawasan na ang pagmamahal at atensiyon sa kanya ng aktres-TV host.

“Pusa ang palagi nilang pinag-aawayan, hindi puso. Nangangamoy pusa na kasi ang unit nila kahit pa nasa terrace naman ang mga alagang pusa ng girl. At take note, kahit bali-baligtarin mo pa ang posisyon ng mga pusa, e, alam ng girl ang individual names nila.

“Nu’ng hindi na sila nagkakasundo nang dahil lang sa mga pusa, nagdesisyon na ang lalaki na makipagkalas, magsama na lang daw ang girl at ang mga alaga niyang pusa!” walang halong eksaherasyong kuwento ng kanilang kaibigan.

Kung puso ang isinisigaw ng mga Pinoy bilang suporta sa Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA World Cup ay isa lang ang sigaw ng aktres-TV host, isang-isa lang, “Pusa!”

Sharon iyak nang iyak ‘pag nababanggit si Mommy Elaine

Siguradong isa rin sa matinding pinagdaraanan ngayon ni Sharon Cuneta ang kalagayan ni Mommy Elaine. Hindi lang niya sinasabi pero bilang anak ay natural lang na may takot na sa dibdib ngayon ang Megastar dahil sa maysakit niyang ina.

Maraming nagulat sa naka-post na retrato ni KC Concepcion habang nasa bedside ni Mommy Elaine. Ganu’n na pala kabagsak ang katawan ngayon ni Mommy Elaine, napakalayo sa dating pangangatawan nito na matikas, pero maganda pa rin.

Matagal nang maysakit si Mommy Elaine. Nu’ng minsang mainterbyu namin si Sharon, sa pagkabanggit pa lang niya sa kalagayan ng kanyang mommy ay hindi na tumigil ang kanyang pag-iyak, ‘yun ang kinatatakutan niyang senaryo sa mga panahong ito.

Nakababatang kapatid ni Mommy Elaine ang singer-actress na si Ate Helen Gamboa, malungkot nitong ikinuwento sa amin na masasarap na pagkain ang dinadala nito kapag dumadalaw sa kanyang ate, pero bahagya nang tinitikman na lang ni Mommy Elaine ang mga dala nitong putahe.

Panalangin ang hinihiling ngayon ni Sharon sa kanyang mga kaibigan at tagahanga, sana’y ipagdasal natin ang operasyong kailangang pagdaanan ni Mommy Elaine, malakas ang pananampalataya ng Megastar na malalampasan ng kanyang ina ang pagsubok na ito.

May mga kalabisan at kakulangan si Sharon Cuneta bilang tao at bilang aktres, pero bilang anak ay isa siyang huwaran, mabuting anak si  Sharon Cuneta.

vuukle comment

ATE HELEN GAMBOA

ELAINE

KANYANG

LANG

MOMMY

MOMMY ELAINE

PUSA

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with