^

PSN Showbiz

Away naungkat na naman, Angelica ‘sumakit’ daw ang ulo sa pagpapatawa ni Angel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

“Te... Ang comedy, may tamang pasok... Wag mo ipilit... Sakit na ng ulo namin..” tweet kahapon ni Angelica Panganiban na binig­yan ng ibang kahulugan ng ilang nakabasa. Ang feeling ng ibang nakakita sa tweet ng girlfriend ni John Lloyd Cruz, si Angel Locsin ang pinatatamaan niya dahil nagho-host nga ito ngayon sa It’s Showtime kahit wala namang pinangalanan si Angelica. (Eight days si Angel mapapanood sa noontime show ng ABS-CBN).

Pero agad namang sumagot si Angelica: Malala na kayo. ‘Wag niyo kami gawan ng issue ni angel. Matagal na kaming okay,”  reaksiyon niya sa mga nagtatanong kung si Angel nga ba ang pinariringgan niya. Tinawanan din niya ang comment ng isang fan ni Angel na ‘move on move on din ‘pag may time.’

Maalalang nagkaroon noon ng isyu ang dalawa nang gawin nila ang pelikulang One More Try with Dingdong Dantes. Nagkatotohanan daw ang sampalan ng dalawa sa ilang eksena dahil nagkakainisan nga sila sa shooting.

Jodi may ginagamit para sumeksi

Feel na feel ni Jodi Sta. Maria ang pagiging sexy ‘pag kasama niya ang anak na si Thirdy at ‘pag nakakatulong sa kapwa. Aniya: “I’m sexiest when I know na perfect mom ako kay Thirdy. I feel sexy ‘pag nakakatulong ako sa ibang tao. And, of course, I feel extra sexy when I do training and e­xercise every morning, kahit 30 minutes cardio workout. Importante ‘yun sa atin,” sabi ng aktres na kahit bisi-bisihan ay hindi raw talaga niya kinaliligtaan ang pag-e-exercise.

Bukod kasi sa Be Careful with My Heart, ipalalabas na rin ang pelikula nilang Maria Leonora Teresa kaya kung tutuusin ay wala na siyang oras. Pero kung hindi man siya nakakabisita sa gym dahil nga sa kaabalahan, sinisiguro naman niyang sa bahay ay nakakapagpapawis siya.

Bukod sa exer­cise, inamin din ni Jodi na may iniinom siyang supplement para mas  ma-maintain niya ang kaseksihan at hindi maging chubby uli.

Aminadong gumagamit siya ng Cosmo Body, ang sinasabing pinaka-epektibong health and weight loss supplement.

Ang Cosmo Body ay pinagsamang fat-burning teas - Green Tea (EGCG) and L-Carnitine na maganda raw sa overall health at  effective raw para bumilis ang metabolism and energy na siyang nagpapapayat.

Ayon sa may-ari ng Cosmo Body na sina Niño Bautista & Red Gatus, ang polyphenols na nasa Cosmo Body ay nagpapalakas ng thermogenesis, isang natural process kung saan ang body fat ay nagiging lakas o energy.

Kaya kung iinom ka raw nito at sasabayan mo ng exercise at diet, mabilis ang pagpayat, as in puwede raw pumayat ng 10 lbs. sa loob lang ng isang linggo.

“Nu’ng nagsisimula pa lang ako sa career ko, lagi nila akong sinasabihan ‘ay, si Jodi, ang chubby ng cheeks or minsan pabagu-bago ang weight niya.’ Buti na lang, I discovered Cosmo Body, hindi na nila ako malalait ngayon,” sabay ngiti ni Jodi.

“Ako mismo ang magsasabi that Cosmo Body works talaga,” dagdag ni Jodi.

Pacman ituturo ang sekreto kaya laging panalo

Simula na sa Linggo (Setyembre 14) ang pagbabalik ni Manny Pacquiao bilang TV host sa GMA Network sa kakaibang programang  MP featuring Sport Science na ipapalabas twice a month pagkatapos ng Sa Puso Ni Dok. Sasamahan si Manny ng Kapuso TV host/actress na si Solenn Heussaff.

Bibigyan ng programa ng bagong kahulugan ang sports sa pag-ere nito.

Sa Celebrity Sports segment ng programa ay ibabahagi ng mga athletic Kapuso stars ang kanilang mga training na pinagdaraanan bilang paghahanda sa kanilang mga sasalihang kompetisyon. Ito ay maghihikayat sa lahat upang maging fit at healthy.

Dahil kilala ang mga Pilipino bilang sports enthusiasts, magbibigay ito ng mga kakaibang kaalaman sa mga manonood na mayroong science hindi lamang sa bawat sport kundi maging sa pagiging champion. Ipapakita rito ang science at engineering factors sa likod ng bawat athletic endeavor ng isang sports legend.

Ipapalabas din dito ang mga episode mula sa programang Sport Science ng Fox Sports Net na nagpapakita ng in-depth analysis ng abilidad ng mga athelete sa pamamagitan ng pagsusukat, pagsusubok, at paghahambing ng kanilang lakas sa mga makina at hayop sa tulong ng mga doktor at dalubhasa.

Naiiba rin ang MP featuring Sport Science dahil dito masusukat ang kakayahan ni Manny sa boxing na nagpapatunay ng kanyang pagiging world-class champion.

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, ang MP featuring Sport Science ay may mga kakaibang sports trivia rin. 

vuukle comment

ANG COSMO BODY

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

COSMO BODY

JODI

NIYA

SPORT SCIENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with