^

PSN Showbiz

Dingdong naaksidente sa shooting!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Nagsimula nang magpa-search for the next Masculados kamakalawa ng hapon.

Sinimulan ang search sa Fisher Mall na personal na pina­ngasiwaan ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Si Katrina Halili ang isa sa pumunta sa naturang event at nagbigay saya sa mga nanood.

May dalawang Sabado pa silang search na dadaluhan din ng ilang cast ng Niño.

PAK : Naaksidente si Dingdong Dantes sa shooting ng pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles kamakalawa ng madaling araw.

Nasugat ito sa matalas na barbed wire sa fight scene na ginawa nila.

Kaya isinugod ang aktor sa St. Luke’s Hospital para gamutin.

Tinurukan na rin si Dingdong ng anti-tetanus para matiyak na safe ito.

Puspusan ang shooting nila para sa naturang entry nila sa Metro Manila Film Festival, dahil abala rin ang aktor sa paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Marian Rivera.

Kahapon ay nakipag-lunch sina Dingdong at Marian sa mga napili nilang ninong at ninang.

Marami pang hindi nakarating at personal nilang kausapin para imbitahin na tumayong principal sponsor sa kanilang pag-iisang dibdib.

BOOM : Hindi pa nakakita ang production staff ng Kubot: The Aswang Chronicles ng ipapalit kay Lovi Poe bilang leading lady ni Dingdong.

Naghahanap daw sila ng halos kahawig ni Lovi, pero sa ngayon ay wala pa silang napagdesisyunan.

Hindi na nagkomento si Dingdong sa inilabas na hinaing ni Direk Erik Matti. Personal na damdamin daw iyun ni  direk Erik, pero okay daw sila ni Lovi at wala silang problema sa taping nila sa Ang Dalawang Mrs. Real.

 

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

DINGDONG DANTES

DIREK ERIK MATTI

DIREK MARYO J

FISHER MALL

KUBOT

LOVI

LOVI POE

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with