^

PSN Showbiz

Edu mauunahan pang pakasal ni Luis

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Luis Manzano’s dad, TV host-actor Edu Manzano has remained single up to this day matapos ma-annul ang kanyang second marriage  kay Maricel Soriano, a long time ago.  Unang ikinasal si Edu sa ina ni Luis na si Gov. Vilma Santos.  After Marya ay never pa uling nag-asawa o nagpakasal si Edu although nakakailang girlfriend na siya since then at kasama na rito ang da­laga ni Freddie Webb, ang TV news anchor na si Pinky Webb pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.       

It seems na hindi pa talaga nata­tagpuan ng ama ni Luis ang right woman para sa kanya na muli niyang ihaharap sa altar. Malamang na maunahan pa siyang magpa­kasal ng kanyang mga anak na sina Luis, Adi, at Enzo which he actually does not mind.

Habang tumatagal ay lalong nagiging pihikan si Edu o baka naman mas gusto niyang manatiling single forever.

Onemig nabiktima rin pala ng droga

Ang droga ay peste sa buhay ng tao, pero sa kabila ng masamang epekto nito ay marami pa rin ang hindi kumakalas sa kanilang masamang bisyo na siyang dahilan kung bakit pati buhay at karera nila ay nagsa-suffer.

Ilan na ba sa mga kilalang showbiz personalities ang nasira ang buhay nang dahil sa droga?  Ang iba ay sumakabilang-buhay na habang ang iba ay nagpa-rehab na at `yung iba naman ay patuloy pa rin sa kanilang bisyo.

Isa kami sa nagulat sa aktor na si Onemig Bondoc na nagumon din pala sa ipinagbabawal na gamot considering na napakaganda ng family background nito although we cannot speak the same pagdating sa kanyang career.

Marami sa ating kilalang personalidad ang sumailalim ng rehabilitasyon at nagbago pero marami pa rin sa kanila ay patuloy na sinisira ang kanilang buhay.

 

vuukle comment

AFTER MARYA

EDU

EDU MANZANO

FREDDIE WEBB

LUIS

MARICEL SORIANO

ONEMIG BONDOC

PINKY WEBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with