^

PSN Showbiz

Kasama ang abugado: Claudine ipinagdiwang ang pagkapanalo ng kaso laban sa kasambahay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: From single to engaged ni Heart Evangelista ang isa sa isi-celebrate sa Sunday All Stars mamayang hapon.

Dito na kaya niya sasabihin ang buong detalye ng kanilang kasal?

Isi-celebrate din pala sa SAS ang pagiging Gold medalist ng apo ni German Moreno na si Luis Gabriel Moreno sa nakaraang Youth Olympic Games na magaling pala sa Archery.

PAK: Itinatanggi ni Tom Rodriguez na madalas na dumadalaw si Carla Abellana sa kanya sa taping ng bagong game show niyang Don’t Lose The Money.

Nung unang gabi pa lang sa technical rehearsal nito, namataan na si Carla na sumundo sa aktor.

Nang sumunod na araw sa first taping nito ay nakita na naman daw ito na dumating nung patapos na ito ng taping.

Sa pangatlong gabi ay dumating na naman, at iyun lang ang inamin ni Tom dahil parang reunion daw nila iyon ni Dennis Trillo.

Guest kasi doon si Dennis kasama ang ibang co-stars ng bagong drama series nilang Hiram na Alaala, kaya pumunta raw si Carla.

Inamin lang ni Tom na nanunuyo raw siya sa aktres. Malaking bagay ang madalas nilang pagsasama sa taping ng My Destiny. Pero hanggang dun pa lang daw.

Malamang na susuportahan ni Carla ang pagrampa ni Tom na naka-underwear sa nalalapit na The Naked Truth Denim and Underwear Show ng Bench sa September 19.

BOOM: Namataan si Claudine Barretto na nanood sa concert ni Michael Pangilinan sa Teatrino nung nakaraang Huwebes kasama ang abugado niyang si Atty. Ferdie Topacio.

Isinelebra kaya nila roon ang pagkaba­sura ng criminal charges na isinampa ng dati niyang kasambahay?

Ibinaba na nga ng Prosecution office ng Marikina ang hatol sa kasong Robbery and Grave Coercion na isinampa ni Maria Luisa Becher at ang kasong Perjury na isinumite naman ni Dessa Patilan.

“Lack of sufficient probable cause” ang dahilan kaya nabasura ang naturang reklamo.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS TRILLO

DESSA PATILAN

FERDIE TOPACIO

GERMAN MORENO

HEART EVANGELISTA

LOSE THE MONEY

LUIS GABRIEL MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with