^

PSN Showbiz

Fans excited makitang mataba si Anne

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Gagamitin ni Anne Curtis sa It’s Showtime ang kanyang fat suit costume sa The Gifted bilang promo ng pelikula nila nina Cristine Reyes at Sam Milby.

 Kaya sa mga gustong makita na mataba si Anne, panoorin ninyo siya sa noontime show nila dahil makikita  n’yo ang hitsura ‘pag siya ay tumaba.

Hinihintay ko ang classification ng Cinema Evaluation Board sa The Gifted. Mahusay na direktor si Chris Martinez at madalas na Graded A ng CEB ang kanyang mga pelikula.

Hindi ako magugulat kung A ang grade na ibigay ng CEB sa The Gifted dahil sa trailer pa lang, pulido na ang pagkakagawa niya sa coming soon movie ng Viva Films. Showing ito sa September 3.

Aktor na hindi nagtatagal sa relasyon, malamang isama sa ‘koleksyon’ang aktres na bagong kapareha

Hiwalay na ang aktres sa kanyang boyfriend na aktor kaya malaki ang possibility na ma-in love siya sa aktor na kapareha niya sa isang teleserye.

May image ang aktor na nagkakagusto at nagiging karelasyon ng mga aktres na nakakatrabaho niya sa mga pelikula at TV show.

Madaling ma-in love sa mga lalaki na nagpapalipad-hangin sa kanya ang aktres kaya kumbinsido ang mga baklush na magkakaroon ng relasyon ang da­lawa pero hindi magtatagal dahil mabilis magsawa ang mhin at ebidensya ang short-lived love affairs niya.

Carlene nanganakna sa pangatlo

Isinilang ni Carlene Aguilar ang third baby niya noong Biyernes.

Hunter Elio ang name ng cute baby boy na second son ni Carlene sa kanyang mister na si Yo Ocampo.

Kamukhang-kamukha ni Marcus si Hunter. Si Marcus ang first baby nina Carlene at Yo. Si Dennis Trillo naman ang tatay ni Calix, ang panganay ni Carlene na pagpapapayat ang haharapin matapos isilang ang kanyang pangatlong anak.

Mga pasaherong MRT nabuhayan ng loob kay Sen. Grace

Nabuhayan ng pag-asa ang mga pasahero ng MRT dahil sa ginawa ni Senator Grace Poe noong Biyernes.

Nakakita sila ng kakampi kay Mama Grace na sumakay sa MRT para makita at masubukan niya nang personal ang mga problema na dinaranas ng mga pasahero.

Sinabi ni Mama Grace na may pag-asa pa ang MRT at ikinatuwa ito ng mga pasahero na araw-araw na napeperwisyo dahil sa mahabang pila para makasakay lamang sa train. Umaasa ang MRT passengers na makakatulong si Mama Grace sa ikagaganda ng serbisyo ng MRT.

Hindi totoo ang tsismis na ayaw sa aktres, nanay ni Sen. Chiz gusto na si Heart

Witness sa wedding proposal ni Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista ang kanyang nanay na si Mrs. Elvie Escudero.

May blessing ng madir ni Papa Chiz ang plano nito na pakasalan si Heart. Siya pa nga ang nagbigay ng engagement ring na ipinagkaloob ng kanyang anak sa girlfriend nito na isa ang ibig sabihin, hindi totoo ang mga tsismis at intriga na hindi siya boto kay Heart para maging second wife ni Papa Chiz.

Natawa lang si Heart sa dialogue ko na mas maganda ang singsing na ibinigay ng tatay niya kesa sa singsing na mula kay Papa Chiz.

Tumawa si Heart dahil alam niya na nagbibiro lang ako. Hindi niya sineryoso ang biro ko pero agree siya sa obserbasyon ko na boto na ang kanyang mga magulang na magpakasal siya dahil napatunayan nila na maganda at sincere ang intensyon ni Papa Chiz.

vuukle comment

BIYERNES

CARLENE

CARLENE AGUILAR

KANYANG

MAMA GRACE

NIYA

PAPA CHIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with