^

PSN Showbiz

Natakot sa media Marjorie umatras sa hearing ng apela ni Dennis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sina James Reid at Joseph Marco ang nanguna sa Lucky 13 hotties na ini-launch ng Viva Films kamakalawa ng hapon.

Bukod sa dalawa, very promising ang mga bagong mukha na ibang hunks na ipinakilala ng Viva Artist Agency (VAA).

Kahit sino sa kanila ay puwedeng sumikat, magkakatalo lamang diyan kung sino ang mas talented at marunong umarte.

Marami lang ang nanghihinayang kay James Reid dahil nakabuo na sila ni Nadine Lustre ng maraming supporters kaya mas okay daw sana kung mabigyan sila ng magandang drama series o ano mang programa sa TV.

Napatunayan na nila sa Diary ng Pa­nget at inaasahang mauulit ito sa ipapalabas nilang pelikulang Talk Back and You’re Dead na magsu-showing na sa August 20.

PAK: Hindi sinipot ni Marjorie Barretto ang hearing kahapon ng umaga ng Petition for Relief of Judgment na isinumite ni Dennis Padilla kaugnay sa change of name na petition ni Claudia Barretto.

Sabi ng legal counsel ni Marjorie na si Atty. Lorna Kapunan, umatras daw ang aktres nang nalamang maraming media ang nag-abang sa kanya.           

Ayaw pa rin kasi niyang magsalita tungkol sa kasong ito.

Ang pakiusap lang ni Atty. Kapunan, sana  magkaroon daw ng pagkakataong magkausap sila dahil isang pamilya pa rin naman daw sila.

Hindi raw sana idinaan ni Dennis sa ganito at sa pagpapa-interview sa media dahil problema naman daw ito ng pamilya para mapag-usapan nang maayos.

Pero bawal naman daw si Dennis na pumunta sa bahay nila at pinalitan naman daw ng mga anak nila ang kanilang cellphone number.

BOOM: Hindi napigilan ni Marian Rivera na maluha nang tinanong namin sa kanya kung iimbitahin ba niya ang dati niyang manager na si Popoy Caritativo sa kasal nila ni Dingdong Dantes na nakatakda na sa December 30 ng taong ito.

Hindi maitatanggi ni Marian na malaki naman ang bahagi ng buhay niya ang dating manager, lalo na sa kanyang career. Kaya iimbitahin daw niya ito sa napakahalagang araw ng kanyang buhay.

“To be honest nagkita kami sa Cinemalaya. Hindi pa rin siya siguro handa na magkita kaming dalawa. Pero happy ako na nakita ko siya.

“Siguro in time, balang araw din. Hindi naman ako nagkukulang sa mga bagay, at mga kaarawan niya na hindi ko siya naalala. Naalala ko siya, malaki ang nagawa niya sa akin. Mahal ko siya,” maluha-luhang pahayag ni Marian.

vuukle comment

CLAUDIA BARRETTO

DAW

DENNIS PADILLA

DINGDONG DANTES

JAMES REID

JOSEPH MARCO

LORNA KAPUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with