^

PSN Showbiz

Boyet namayat nang husto

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matindi ang pinagdadaanan ngayon ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Ando­long at ng kanilang pamilya nang ma-diagnose ang anak nilang si Miguel ng testicular cancer kama­kailan lang. Si Miguel ay pangalawang anak ng mag-asawang Boyet at Sandy na naka-base sa San Francisco, California.

Agad nagtungo sa Amerika ang mag-asawang Boyet at Sandy para damayan ang anak pero agad bumalik ng Pilipinas si Boyet dahil sa kanyang trabaho.  Kasama siya sa bagong cast na papasok sa Book 2 ng Ikaw Lamang na tinatampukan nina Kim Chiu at Coco Martin.

Napansin ng mga entertainment media na ang laki ng ipinayat ni Boyet. Gustuhin man ni Boyet na manatili sa bedside ng kanyang anak, kailangan niyang bumalik agad ng Pilipinas dahil sa kanyang trabaho at naiwan na lamang doon ang kanyang asawang si Sandy Andolong na naka-leave ngayon sa weekly sitcom nito sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

Nagpakita ng katatagan at propesyunalismo si Boyet sa harap ng media pero hindi maitatago sa kan­yang mga mata na may pinagdadaanan siyang pagsubok.

Guesting ni Bistek sa A&A idea pala ni Kris

Alam mo, Salve A., hindi talaga nauubusan ng mga paandar ang Presidential sister na si Kris Aquino at kahit ano pa ang sabihin ng iba, hindi siya nawawalan ng pag-uusapan na may kinalaman sa kanya o sa kanyang sarili.

Of course, everybody knows na naging controversial ang short-lived romance nila ni Mayor Herbert Bautista. Nagkaroon pa ng matinding tampo si Kris kay Mayor Bistek nang ito’y magpa-interview sa Bandila.  Pero sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng gap, madali itong naayos at magkaibigang muli ang dalawa na naging rason kung bakit napapayag si Mayor Bistek na mag-guest at magpa-interview kay Kris sa Aquino and Abunda Tonight.

Si Kris na mismo ang naglinaw na guest si Mayor Bistek ni Anthony Ta­berna sa kanyang Tapatan ni Tunying at pinakiusapan niya itong mag-guest sa programa nila ni Boy at pinagbigyan naman siya. Para na rin siguro malaman ng publiko na okey na sila ni Kris kaya siya pumayag.

 

vuukle comment

ANTHONY TA

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BOYET

COCO MARTIN

HOME SWEETIE HOME

IKAW LAMANG

KIM CHIU

KRIS AQUINO

MAYOR BISTEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with