^

PSN Showbiz

Isabelle ibinalandra na ang French BF

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Inilabas na rin finally ni Isabelle Diaz on national TV ang kanyang nobyong French national na isang brand executive at member ng United Football League na si Adrien Semblat nang ito’y tumayo bilang isa sa mga hurado ng nagtapos na Super Sireyna Worldwide ng Eat Bulaga nung nakaraang Sabado.

Agad nag-trending sa social media ang rare TV appearance na ‘yon ni Adrien.

Tatahi-tahimik lamang ang unica hija ng kauna-unahang Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz pagdating sa kanyang love life, ‘yun pala ay may itinatago itong guwapong nobyo na isang Pranses.

Si Isabelle ay isa sa mga mainstay co-hosts ng long-running noontime show na Eat Bulaga.

LJ masayang-masaya para kina Paulo at KC

It seems na fully recovered na ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa break-up nila ng ama ng kanyang four-year-old son na si Ethan Akio (Aki), ang actor na si Paulo Avelino dahil positibo ang kanyang reaction na may kinalaman sa kanyang ex-BF at ang rumored girlfriend nito ngayon na si KC Concepcion.

LJ wishes Paulo and KC the best, at masaya umano siya para sa dalawa. In fairness naman daw kay Paulo, hindi umano ito nagpapabaya sa kanyang pagiging ama kay Aki.

LJ has yet to find another guy na muling magpapatibok ng kanyang puso pero hindi umano ito ang kanyang priority sa ngayon kundi ang kanyang anak at career.  At kung magmamahal man daw siyang muli, gusto niya na ang lalaking kanyang mamahalin ay kaya ring mahalin ang kanyang anak na si Aki.

Claudine, iba ang sinasabi sa ginagawa?!

Nang lumabas ang litrato ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto kasama ang kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino, ang buong akala ng marami ay nagkabati na ang dating mag-asawa dahil na rin sa court mediation pero patuloy pa rin pala ang legal battle sa pagitan ng dalawa.

Marami ang natuwa sa pa­giging ‘buo’ muli ng pamilya sa isang rare occasion dahil inakala nila na ‘yon na ang simula ng muling pagiging magkaibigan ng (dating) mag-sawa. Pero hindi pa pala.  Nananatili ang pagiging firm ni Claudine sa kanyang desisyon na kasuhan ang dating mister at pag-amin niyang isa siyang battered wife.  Marami rin ang nagulat nang ilabas ni Claudine ang litrato kung saan kitang-kita ang kanyang mga pasa sa kanyang hita.

 

vuukle comment

AKI

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

EAT BULAGA

ETHAN AKIO

FILIPINA MISS UNIVERSE

GLORIA DIAZ

KANYANG

MARAMI

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with