^

PSN Showbiz

Piolo gustong makasama si Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukas ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang pinakabagong teleserye ni Piolo Pascual na Hawak Kamay. Makakasama ni Piolo sa nasabing proyekto sina Iza Calzado, Nikki Gil at mga batang sina Zaijian Jaranilla, Andrea Brillantes, Yesha Camile at Xyriel Manabat.

Samantala, pinapangarap daw ni Piolo na makasama sa isang pelikula ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo. “Definitely, she is one of the few na gusto kong makasama but nagkasunud-sunod sila ni Lloydie (John Lloyd Cruz),” bungad ni Piolo. Matatandaang sinabi rin ni Sarah sa isang pahayag na gusto niyang makasama sa isang proyekto ang aktor.

Ayon kay Piolo ay mukhang mahihirapan siya ngayong pagsabayin ang paggawa ng pelikula at teleserye. “It’s hard, kasi everyday taping kami. So I don’t think I will be able to devote time kung pagsasabayin ‘yun,” paliwanag ni Piolo. Nakatakda ring gumawa ng pelikula ang aktor at muling makakasama niya si Toni Gonzaga na kanyang nakatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa Starting Over Again. “Sabi sa Star Cinema, there’s going to be one movie before I do another with Toni. So it still depends kasi we are taping four times a week for the soap. I will concentrate on this one first bago ko isipin ang pelikula,” pagtatapos ng aktor.

Ryan ayaw na pinaiiyak ang kanyang Mommy Vice

Nagbigay ng reaksyon si Ryan Bang tungkol sa diumano’y naging relasyon nina Vice Ganda at Terrence Romeo. Aminado si Ryan na hindi siya boto sa basketbolista para sa kaibigan. “’Yung totoo, hindi ako boto kay Terrence, pero mag-support ako kung saan masaya si Mommy (tawag ni Ryan kay Vice),” pahayag ni Ryan. “’Yung totoo, gusto ko mas ka-age ni Mommy. Kahit sino naman basta maramdaman ko na mahal niya si Mommy, susuporta ako. Gusto ko maramdaman bilang anak, kasi hindi lang ako kaibigan, pamilya ko si Vice, Mommy ko siya eh. So kapag nasaktan ang Mommy ko, ayaw ko e-echosin ang Mommy ko, babae ang puso ni Mommy ko eh,” paliwanag ng aktor.

Nagalit daw si Ryan nang mabalitaan ang tungkol kina Vice at Terrence. “Hindi ako boto kay Terrence kasi nakita ko na nasaktan ang Mommy ko dahil kay Terrence. Nagagalit ako, kasi mahal ko ang Mommy ko, ayaw ko siyang masaktan. Kung sino man ang manligaw kay Vice, sana ‘yung  totoo nararamdaman kay Vice. Ayaw kong masaktan ang Mommy ko, kahit sino man magagalit talaga ako,” pagtatapat ni Ryan. Hindi pa naman daw naipakilala ni Vice sina Ryan at Terrence sa isa’t isa. “Hindi ko pa siya na-meet. Honestly, hindi pa siya pinakilala sa akin ni Mommy. Pero kung masaya si Mommy kay Terrence, susuportahan ko si Mommy ko. Ayaw kong umiiyak ang Mommy ko,” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANDREA BRILLANTES

AYAW

KAY

MOMMY

PIOLO

RYAN

TERRENCE

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with