^

PSN Showbiz

Wish Ko Lang! at Imbestigador, back-to-back na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas makabuluhang Sabado ng hapon ang hatid ng GMA Network dahil back-to-back nang mapapanood ang mga programang Wish Ko Lang! at Im­bestigador simula ngayong Hulyo 19.

Simula alas kwatro ng hapon, patuloy ang pag­hahatid ng mga nakaka-antig na kuwento, hindi malilimutang sorpresa, at naiibang mga social experiment ng long-running, wish-granting program na Wish Ko Lang!

Sa pangunguna ni Vicky Morales, tampok sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado ang hiling ng isang lady guard para sa kanyang anak na may cancer na si Jocelyn, avid fan ni Regine Velasquez-Alcasid.  Nakita minsan ng lady guard ang Asia’s Songbird sa isang mall kaya nagpa-picture ito upang mapasaya ang anak na may sakit.  Kung sobrang saya ni Jocelyn sa pagtingin sa litrato ng ina at ng idol niya, paano pa kaya kung makita niya nang malapitan si Regine?

Mapapanood din sa Wish Ko Lang! ang isang social experiment kung saan gaganap ang beteranang aktres na si Chanda Romero bilang isang nurse na naubusan ng pasensiya sa isang matandang pasyente.  Alamin kung sino ang may kayang humarap at ipagtanggol ang matandang pasyente mula sa nasabing nurse. 

Makakasama rin ngayong Sabado si Kean Cipriano ng Calla Lilly para makisalamuha sa kanyang fans sa pamamagitan ng biglaang pagbisita sa ilang mga paboritong gimikan ngayon.

Susundan naman ito ng maaksyong hapon mula sa longest-running investigative program sa bansa na Imbestigador simula 4:45 ng hapon.

Sa pangunguna ng respetadong mamamahayag na si Mike Enriquez, patuloy na tinututukan at hindi tinatantanan ng Imbestigador ang iba’t ibang kaso sa loob halos ng 14 na taon.

Sa bago nitong timeslot, ilalahad ng Imbestigador ang mga bagong kasong inilapit sa sumbungan ng bayan sa pamamagitan ng isang dramatization tampok ang mga magagaling na artista sa industriya.

Ngayong Sabado, kasama ang mga Kapuso stars na sina Krystal Reyes, Rodjun Cruz, at Dexter Doria, tunghayan sa Imbestigador ang magkatulad na sinapit ng dalawang babaeng preso mula sa kamay ng iisang salarin.

Sa magkaibang pagkakataon, inilabas sa kulungan, isinakay sa motorsiklo, idiniretso sa motel kung saan sila ay inabuso, pinagsamantalahan, ginahasa. At ang nasa likod ng paglapastangan – isang pulis at sarili nilang bantay sa kulungan!

Huwag palalagpasin ang back-to-back episode na ito ng Wish Ko Lang! at Imbestigador ngayong Sabado simula 4 p.m. sa GMA7.

vuukle comment

CALLA LILLY

CHANDA ROMERO

DEXTER DORIA

IMBESTIGADOR

ISANG

JOCELYN

SABADO

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with