^

PSN Showbiz

Enchong umaming matagal nang may GF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ginulat ni Enchong Dee ang lahat ng kanyang mga tagahanga nang umamin ang aktor na mayroon na itong kasintahan. Ayon sa binata ay ilang buwan na rin niyang karelasyon ang babae na ayaw pa niyang pangalanan sa ngayon. “Non-showbiz siya. Wala pang isang taon. It just happened. It’s not a plan. We saw each other, we talked, we shared numbers and then ‘yun na,” nakangiting pagtatapat ni Enchong.

Naipakilala na rin daw ng aktor sa kanyang mga kapatid ang kasintahan pero mas gusto raw ng aktor na kung maaari ay maging pribado na lamang ang kanilang relasyon ng dalaga. “’Yun ang kagandahan sa non-showbiz, kasi unless you tell the people, no one will find out. I’m happy na low-key lang. It will take time. I want her life to be private, I want her life to be away from all the buzz,” paliwanag ni Enchong.

Matatandaang si Julia Montes ang huling naugnay sa aktor pero hindi umusbong ang relasyon ng dalawa. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Julia at Enchong noon pero nagkaayos din ang dalawa nang magkasama sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso.

‘Sobrang suwerte ko po’ Maja panay ang pasasalamat kay Gerald

Noong Sabado ay ginanap na ang kauna-unahang concert ni Maja Salvador na may titulong Maj: The Legal Performer. Sobrang kaba raw ang naramdaman ni Maja dahil sold out ang nasabing concert. Sinorpresa rin ng kasintahang si Gerald Anderson ang aktres bago magtapos ang programa. Malaki ang pasasalamat ni Maja sa aktor sa pagsuporta nito sa kanya. “Thank you, gusto ko lang po i-share na madamot man po kami sa mga interviews namin o saan man pero masaya po ako na grabe niya ako protektahan. Kung pwede ko lang pong sabihin, detalyado pero sa amin lang po ‘yun. Pero napakaswerte ko po, sobrang swerte ko po,” pahayag ni Maja.

Hindi raw inakala ng aktres na makakapunta pa si Gerald sa kanyang concert dahil alam nitong may taping noon ang binata. “Hindi po namin napag-usapan kasi po sobrang ngarag din ako at siya everyday may taping ng Dyesebel. Siyempre happy din ako,” kwento ng dalaga.

Samantala, umaasa raw si Maja na muling makagawa ng isa pang concert lalo pa’t naging matagumpay ang kanyang unang nagawa. “Sana po masundan kasi sobrang ang sarap sa pakiramdam ang mag-perform at ayun po, i-share kung anong bago mong na-explore na bago mong na-discover na talent. Hindi man gano’n kaganda pa ‘yung nakikita nila siyempre, willing akong pag-aralan pa para mas maging mabuti o mas magaling na performer,” giit ni Maja.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ENCHONG

ENCHONG DEE

GERALD ANDERSON

JULIA MONTES

LEGAL PERFORMER

MAJA

MAJA SALVADOR

MULING BUKSAN

NOONG SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with