^

PSN Showbiz

Daniel naka-iskor kay Kathryn?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi kami nagkaroon ng chance na magtanong kung ano ang role nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa She’s Dating the Gangster ng Star Cinema. Nakasulat sa press release na may special participation ang dalawa at nakita namin sa Instagram (IG) ni Richard ang picture nila nina Daniel Padilla at direk Cathy Garcia-Molina sa shooting.
Sa July 16 ang showing ng movie na tiyak pipilahan at dudumugin ng fans nina Daniel at Kathryn Bernardo dahil sa trailer pa lang, nag-uumapaw na ang kilig sa mga eksenang magkasama sila.

Hindi sinagot ni Daniel kung natuloy niyang mahalikan si Kathryn sa scene na hahalikan niya ito. Ang sabi lang, panoorin na lang ang movie at hindi siya ang nag-choreograph ng scene.

Ruffa special friend pa rin ang turing sa Israeli-Moroccan na lagi niyang kasama

“Special friend” ang descrpition ni Ruffa Gutierrez kay Jordan Mouyal, ang Israeli-Moroccan guy na nali-link sa kanya. Career at pagpapalaki sa mga anak na sina Lorin at Venice pa rin ang priority niya. Nasa Paris na ang guy, kaya sa text muna sila nagku-communicate.

In fairness, boto si Raymond Gutierrez kay Jor­dan dahil very nice, very quiet, at hindi raw epal. Hindi pa masyadong na­ka­kausap ni Annabelle Rama at hindi pa natanong sina Eddie at Richard Gutierrez sa impression nila kay Jordan.

Nakuwento ni Ruffa na nagkaroon ng heart-to-heart talk sina Richard at Yilmaz Bektas nang tumawag ang ex niya at si Richard ang nakausap. Thirty minutes nag-usap ang dalawa, kaya lang hindi pa niya natatanong ang kapatid kung ano ang napag-usapan nila. Na­­ka­usap din nina Lorin at Venice ang ama at nagkaiyakan ang tatlo. Nami-miss ng mga anak niya ang magkaroon ng ama, pero sinabihan niya ang mga anak na ‘wag nang umasang magkabalikan pa sila ni Yilmaz.

Anyway, excited si Ruffa sa taping ng season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na kukunan dito. Sa Bohol sila pupunta ng mga anak at July to August ang taping at baka October ang airing. Matagal pa mapapanood ang It Takes Gutz...,dahil up to season 4 ang kontrata ng mga Gutierrez sa E!  at malay na­ting ma-extend pa dahil mataas ang rating at maingay sa tao ang show.

Tom natupad na ang isa sa mga pangarap

Natupad ang wish ni Tom Rodriguez na makapanood ng Miss Saigon habang nasa London sila nina Dennis Trillo, road manager nilang si Joey Rada at manager nilang si Popoy Caritativo. Nagpakuha pa sila ng puctures sa cast.

Post ni Tom: “So surreal watching these two beautiful and amazingly talented ladies performing sa West End tonight :):):) ang lakas talaga maka-proud!!!:):):) am so happy for the two of you @gorachelleann and @mstanyamanalang grabe ang gagaling nyo:) such moving performances:):):) #misssaigon#london.”
Time out muna si Tom sa taping ng My Destiny dahil sa trip sa London ng TomDen for a show sa Lampton Park, West London para sa Hounslow Summer Festival. Kahapon at ngayong araw ang festival.

Nanay ni Sarah at pamilya Gutierrez nagkaayos na

Ipinarating namin kay Richard Gutierrez ang pag-aaway sa Instagram (IG) ng Team Baby Zion at Team Kramer na fans ng mga anak nina Doug at Cheska Kramer. Nakiusap ang aktor na ‘wag gawan ng isyu ang mga bata dahil kaibigan niya ang mag-asawang Kramer.

Dagdag ni Richard, one year old and two months pa lang si Zion, hindi pa nagsasalita at hindi pa nakakalakad. Hindi raw maganda na sa edad nito at edad ng Kramer kids ay pinag-aaway na.

Hindi na rin pinahaba ni Richard ang isyu sa mother ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati, as of last Thursday sa announcement ng TV5 airing ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang final episode sa E! at season 2 ng reality show, okay at mas relax na ang lahat. Hindi man siya nakapunta sa birthday ni Esther dahil may mall show sila ni Lauren Young para sa Overtime movie nila, nagpadala siya ng gift at nag-thank you si Esther.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CATHY GARCIA-MOLINA

CHESKA KRAMER

GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

RICHARD GUTIERREZ

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with