^

PSN Showbiz

Raket sa internet dumarami!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Aba si Vhong Navarro pala ay ipinanghihingi ng mga fans niya ng pondo para may pangtustos siya sa kanyang kaso sa korte laban kay Cedric Lee! Naku, mukhang hindi na tama ito. Baka naman magamit lang sa hindi maganda ang pangalan ng komedyante.  Tulad din ng kaibigan kong si Veronica Samio na nabasa na lamang niya sa Facebook na ipinanghihingi siya ng kung sino ng pambili niya ng gamot. Nang tanungin ko si Vero, deny to death siya. Wala siyang ino-authorize na mag-fundraising para sa gamot niya. Kaya niyang bumili ng medicine at kung hindi man, may family and friends siya na handang tumulong. Gaya ko, willing akong ibili siya ng gamot, if needed.  Meron palang ganitong raket sa Internet. Kaya kwidaw kayo!

Claudine nagpapabango uli ng pangalan

Mukhang nakikipagbati na si Claudine Barretto sa mga nakasamaan niyang loob na pamilya. Kung dati ay kanegahan ang mga pinagsasasabi niya, ngayon ay pawang papuri at magagandang salita ang naririnig mula sa kanya. Maging ang tungkol sa mga pamangkin niya.

Aba, magandang senyales ito na kung ipagpapatuloy niya ay mapapamahal siya sa publiko. ‘Yun lang naman ang hinihintay sa kanya ng lahat, ang makakita sila ng pagbabago sa kanya. ‘Yung dating galit na parang napalitan na ng paglalambing ay isa nang magandang simula, ‘di ba Gretchen, Raymart?

Kay Vice Ganda ang huling halakhak

Okay lang kung makabalikan ni Vice Ganda ang dati niyang nobyong basketbolista. Buti na lang hindi niya sinagot ang mga pinagsasabi nito at maging ng ama nito nung panahong magkagalit sila. Kung hindi, marami silang kakaining hindi magagandang salita. Tama lang na huwag agad nagko-comment kung bago lang nagkakahiwalay. Para walang dapat ipaliwanag  o i-undo kapag nagkabalikan.

vuukle comment

CEDRIC LEE

CLAUDINE BARRETTO

KAY VICE GANDA

KAYA

KUNG

NIYA

VERONICA SAMIO

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with