^

PSN Showbiz

'Blessed ako sa ganitong relationship' – Sarah G

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpapasalamat si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli ang kanyang naging boyfriend.

Sinabi ng 25-anyos na si Sarah na mabait at matiyaga ang kanyang unang nobyo.

“Siyempre, thankful naman tayo sa Diyos,” wika ni Sarah sa taped interview ng “The Buzz” na umere kahapon.

Kaugnay na balita: 'Boyfriend ko si Matteo' - Sarah G

“Kumbaga, blessed din ako ng ganitong klaseng relationship, ganitong klaseng karelasyon kasi mabait na tao naman si Matteo at saka matiyaga.”

Nitong nakaraang linggo ay maraming fans ang kinilig nang aminin na ni Sarah na boyfriend niya na si Matteo matapos ang matagal na pananahimik sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“Sige, sabihin ko na po, boyfriend ko na po si Matteo... Kasi marami na rin nagsasabi na paligoy-ligoy, di ba, so yun po.”

Kaugnay na balita:  Bago i-date si Sarah, Matteo nagpapaalam kay Mommy Divine

Sinabi pa ni Sarah na wala siyang naging problema sa pamilya ng kanyang 24-anyos na boyfriend.

“Okay naman po, okay naman po lahat. Napakabait ng pamilya ni Matteo.”

Bago pa umamin si Sarah ay maraming balita na ang lumalabas na sinagot na niya si Matteo ngunit bago ang nakaraang linggo ay iniiwasan ng dalawa na sumagot sa tanong ng mga tao.

vuukle comment

BOYFRIEND

KAUGNAY

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY DIVINE

SARAH

SARAH G

SARAH GERONIMO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with