^

PSN Showbiz

Ryan at Judy Ann todo effort para maka-kambal

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ewan kung may kambal sa pamilya nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil kambal ang gusto nilang sumunod kina Yohan at Lucho. At ini-expect nila na mabuo ito sa pagsama nila sa grupo ng Eat Bulaga  sa Singapore na kung saan ay sasamantalahin nila na wala ang dalawang bata para makabuo ng dalawa pa nilang kapatid. Hindi naman ipinagkakaila ng mag-asawa na mahirap magka-baby kung ganung apat-apat sila sa kama dahil kapi­ling nila ang dalawang bata. Kaya both will take time out from their busy schedule para makasama ang grupo ng EB para sa birthday ni Bossing Vic Sotto na kung saan ay inaasahan nilang mabubuo ang kanilang bunsong anak. 

Isang ama ang role ni Ryan sa bago niyang co­me­dy show sa GMA 7 na Ismol Family. May lalaki siyang anak at isang babaeng ampon na anak ng kapatid ng kanyang asawa na isang OFW. Siya ang househusband na kinakailangang pangalagaan ang kanilang tahanan at pamilya habang nagtatrabaho sa abroad si misis na ginagampanan ni Carla Abellana.

Sinabi ng magaling na TV host na puwedeng mangyari sa tunay na buhay niya na maiwan ng asawa para magtrabaho sa abroad. Marunong siya ng mga gawaing bahay na itinuturo sa kanilang mag­kakapatid ng kanilang ina habang sila ay lumalaki.

Amalia ‘in love’ kay Piolo

O hayan, may isa na namang dahilan si  Piolo Pascual na manatil ng showbiz at huwag munang mag-retire. Biruin mo, para mahuli niya ang loob ng isa sa may pinaka-magandang muk­ha nung kanyang pa­nahon ay isang ma­laking bagay. Lalo’t hindi naman agad hu­­mahanga ang retiradong  aktres sa kapwa niya artista at ma­ituturing na napaka-ma­pamili at suplada hanggang ngayon.

Pero, walang atubili si Amalia Fuentes sa pagsasabi na paborito niyang aktor si Piolo  na tuma­yong escort niya sa Urian Awards Night. Inamin din niya sa harap ng lahat na dumalo sa event na kung napaaga-aga lang ang pagkikita nila ng Kapamilya actor ay gugustuhin niyag maging leading man  ito. Pero, dahil huli na nga ang pagkikita nila kaya payag na siya na makatrabaho lang ito.

Pagka-tatay ni Zoren masusubukan

Bibi ang pangalan ng karakter na bibigyang buhay ni Zoren Legaspi sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi. Si Bibi ang mapagmahal na ama ng binatilyong si Dandoy (Jairus Aquino) na walang ibang pangarap para sa kanyang anak kundi ang mapagtapos ito ng pag-aaral. Ngunit susubukin ang relasyon ng mag-ama dahil sa pagkahilig ni Dandoy sa long boarding na kalaunan ay naging dahilan para huminto siya sa pagpasok sa eskwela. Paano mapatutunayan ng isang anak na mas tama ang kanyang desisyon kaysa sa kanyang magulang? Tampok rin sa MMK episode sina Yves Flores, JB Agustin, Assunta de Rossi, Joe Vargas, Marc Solis at Lance Lucido na gaganap na batang Dandoy. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz de la Torre

 

vuukle comment

AMALIA FUENTES

CARLA ABELLANA

DANDOY

EAT BULAGA

ISMOL FAMILY

JAIRUS AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with