^

PSN Showbiz

Nanay ni Charice malala ang pinagdaraanan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May show si Charice sa Amerika pero siguradong makakarating sa kanya ang sagutan ng nanay niya at ng special friend nito na Robert Ybera ang pangalan.

Nag-emote si Robert sa kanyang Facebook account. Kailangan daw na gumawa ng paraan si Charice na makausap nito ang pamilya para maagapan ang malaking problema na nagbabadya dahil may mga nangyayari na hindi maganda sa kanyang nanay na si Raquel.

Hindi sinabi ni Robert ang problema ng madir ni Charice pero nagsasagutan sila sa Facebook kaya alam ng buong Pilipinas ang kanilang iringan.

Accommodating si Robert sa media. Knowing him, tiyak na magpapainterbyu siya para isiwalat sa publiko ang malaking problema na pinagdaraanan ni Raquel.

Matagal nang hindi nag-uusap sina Charice at Raquel dahil hindi nito matanggap ang pakikipagrelasyon ng anak kay Alyssa Quijano.

Baka sakaling ang malaking problema ni Raquel na sinasabi ni Robert ang maging dahilan para magkasundo na sila ni Charice.

Charlene mas maganda pa ngayon

Magkasama sa binyag ni Baby Zion Gutierrez sina Manila City Mayor Joseph Estrada at Senator Jinggoy Estrada.

Kinagabihan, nagkaroon ng Father’s Day dinner ang mga Estrada at kumpleto ang mga anak nina Papa Erap at Dra. Loi Ejercito.

Present din sa binyag ni Baby Zion si Vice-President Jojo Binay na nag-stay at pinagbigyan ang mga photo op na request ng mga bisita.

Live na napanood sa The Buzz ang birthday at baptismal party na ginanap sa William J. Shaw Pavilion ng Wack Wack Golf and Country Club.

Parang dumalo na rin ako sa binyagan dahil napanood ko sa TV ang mga pangyayari.

Gandang-ganda ako kay Charlene Gonzales na seksing-seksi, kahit dalawa na ang mga anak nila ni Aga Muhlach.

Walang-wala sa hitsura ni Charlene na may problema siya, tulad nang ipinipilit ng mga intrigera dahil blooming na blooming ang beauty niya. Mas maganda nga siya nga­yon kesa noong korona­han siya bilang 1994 Miss Universe Philippines.

Ryan hindi nawawalan nang ginagawa

Base sa mga nabasa ko at mga balita na nakara­ting sa akin, malabo pa ang posibilidad na bumalik si Ryan Agoncillo bilang host ng Talentadong Pinoy.

Kung si Ryan ang masusunod, ang original production staff ng Talentadong Pinoy, pati na ang direktor nito na si Rich Ilustre ang gusto niyang makatrabaho. ‘Yun nga lang, hindi sumasagot si Rich sa mga tawag ni Ryan kaya hindi ito makapagdesisyon dahil all for one, one for all ang kasunduan nila ng production staff ng Talentadong Pinoy.

Hindi naman nawawalan nang ginagawa si Ryan dahil regular co-host siya ng Eat Bulaga, may ta­pings para sa Ismol Family at kung matutuloy, mu­ling magbabalik sa ere ang kanyang game show na Picture! Picture!

Ismol Family ang title ng sitcom ni Ryan dahil maliit lamang ang pamilya nila ni Carla Abellana na nagtatrabaho bilang welder sa Dubai.

Hindi totoo na Ismol Family ang pamagat ng sitcom dahil sa height ni Ryan ‘no!

Gustung-gusto ni Ryan ang mga co-star niya sa Ismol Family dahil walang dull moments sa set. Masayahin daw ang kanyang mga kasama na sina Carla, Pekto, Kevin Santos, at Carmi Martin.

Sa June 22 na ang pilot episode ng Ismol Fa­mily na nangangako na pasasayahin ang tawanan sa mga tahanan.

vuukle comment

AGA MUHLACH

CHARICE

DAHIL

ISMOL FAMILY

RAQUEL

RYAN

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with