^

PSN Showbiz

Aktres nabubuhayan ng dugo ‘pag bini-beso ng ka-partner sa serye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

‘Katuwa ang tsika tungkol sa aktres na nali-link sa kanyang kaparehang aktor na kasama niya sa dalawang shows. Napapansin ng mga kasama nila sa show na kapag nauuna ang aktres sa set at wala pa ang aktor, ang lungkot nito at walang sigla.

Nasa isang sulok lang ang aktres, matamlay at walang kabuhay-buhay at walang kinakausap, basta tahimik lang siyang nakaupo at tila may hinihintay. Sa hitsura, parang hindi nakatulog ang aktres dahil low-batt ang looks.

Pero kapag dumating na ang aktor na nali-link sa aktres, bigla itong sumi­sigla at parang nakainom ng energizer na biglang nagkabuhay. Kita ang pagbabago sa aktres ‘pag nakikita na ang aktor at nagiging times two ang sigla kapag beneso na siya ng aktor.

Actually, walang problema sa dalawa kung magka-inlaban man dahil pareho silang single. Kaya nagtataka ang mga kaibigan ng dala­wa kung bakit ayaw pang ligawan ng aktor ang aktres dahil ha­lata rin namang type nito ang aktres.

Pati siguro ang aktres nagtataka rin kung bakit hindi pa siya nililigawan ng aktor dahil feel naman niyang special siya rito. Tumityempo lang kaya ang aktor para ligawan ang aktres o friend at co-star lang ang turing niya rito?

Asawa ni Manilyn rumaraket na rin sa pagma-manage ng talents

First project sa pinirmahang kontrata ni Manilyn Reynes sa GMA ang My BFF at first show din niya ito na ang asawa niyang si Aljon Jimenez na ang kanyang manager.

Si Janno Gibbs ang kapareha ni Manilyn sa My BFF na ex-boyfriend niya, kaya pinag-usapan nilang mag-asawa bilang kanyang manager kung tatanggapin ang show. Kuwento ni Manilyn, ang asawa pa ang nag-encourage sa kanyang tanggapin ang show at ibalik ang loveteam nila ni Janno.

First time magtatambal sina Manilyn at Janno.

Sa tanong kung anong klaseng manager ni Aljon, sabi ni Manilyn, manager na ayaw kumuha ng commission, pero siya ang nagsabing kunin nito ang komisyon dahil siya ang nakikipag-usap ‘pag may offers na dumarating sa kanya.

Ibinalita ni Manilyn na may ilang artista nang kumausap kay Aljon at kinukuha itong manager, kabilang dito si Isabel Granada.

Ruffa todo pagtatanggol sa NA-delay na pag-amin nina Sarah at Richard

Simple lang ang sagot ni Ruffa Gutierrez sa mga nagsabing idinenay ng kapatid na si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang anak nilang si Zion. Sagot ni Ruffa, “They never denied it! Check out their interviews. Iba ‘yung ayaw pag-usapan. That’s not denial.”

Sa nagsabing bakit ang tagal inamin nina Richard at Sarah ang tungkol sa kanilang baby boy, sagot ni Ruffa “There’s a time for everything.”

Hinihintay na ang second episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez for more pasabog at baka ipakita na raw si Baby Zion!

Solenn mabenta sa mga baguhan

Ang lakas talaga ng appeal ni Solenn Heussaff sa kalalakihan, dahil crush siya ng mga bagong GMA talents na sina Rafa Siguion-Reyna at Vince Velasco.

Nasulat na namin si Rafa na kasama sa Niño, si Vince ay napanood sa My Husband’s Lover as the gay partner of Victor Basa. Nang matapos ang serye, nawala si Vince at dahil ito sa tinapos niya ang pag-aaral sa Ateneo de Manila University. Ngayong graduate na siya ng Interdisciplinary Studies, babalikan na niya ang showbiz.

  Unang artista sa pamilya niya si Vince na anak ng sports newscaster at sports columnist ng Philippine Star na si Bill Velasco.  

 

vuukle comment

AKTOR

AKTRES

ALJON

ALJON JIMENEZ

BABY ZION

MANILYN

RUFFA

VINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with