^

PSN Showbiz

Marian kailangan ng magaling na co-host

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Bagaman at marami ang hindi pa lubusang natatanggap na magiging isang dance show host si Ma­rian Rivera, walang pagdududa katiting man ang GMA na makakaya nitong itaguyod ang kanyang pinaka-bagong endeavour na mag­sisimulang mapanood sa June 22.

Hindi naman ang kakayahang magsayaw ng ak­tres ang pinangangam­bahan maging ng kanyang mga taga­ha­nga kundi ang kakayahan niyang mag-host. Pero ipinangako ng GMA na gugulatin ng aktres ang lahat sa ipa­mamalas niyang kakayahan hin­di la­mang sa pagsasayaw kundi sa pagi­ging isang host ng isang bagong prog­rama.

Ako wish ko na bigyan siya ng GMA ng isang magaling na co-host at kapartner sa sayaw. Parang kulang kung si Paolo Ballesteros lang.

Eh kung si Dingdong na lang kaya ang maging co-host niya?

Coney hindi nakatiis sa dating bahay

Masaya ako na makasamang muli si Coney Reyes bilang Kapuso. Baka nakalimutan n’yo na bago siya naging Kapamilya ay naging host siya ng Student Canteen with Eddie Ilarde and Bobby Ledesma at Eat Bulaga kasama ang TVJ. BInabalikan lamang ng magaling na aktres ang kanyang pinag-ugatan. Wish ko na sana ay makasanayan na niyang muli dito para hindi na siya umalis pang muli. Magiging mala­king asset siya ng network na unti-unti nang nakokopo ang mga magagaling na senior stars.

Mas palala…

Sa halip na matapos ang away ng magkakapatid na Barretto ay tila mas lumala pa ito ngayon. Habang nananahimik pansamantala si Gretchen,  heto at nabaling ang  atensyon kina Claudine at Marjorie naman. At hindi patatalo ang dalawa dahil mas maraming isyu na lumalabas sa kanila at marami na rin ang nadadawit na ibang tao.

Hay naku, paano kaya matitigil ang kanilang away? Hindi naman sila maaring pagsawaan, lalo na ang media, dahil nga sa mga ginagawa nilang pa­sabog.

Hindi kaya sa huli ay sila ang sumabog?

Robin at Mariel naghihintay munang tumanda bago mag-anak

Kung nag-anak agad sina Robin Padilla at Ma­riel Rodriguez ay baka tumatakbo na ang anak nila.  Pero dahil mas gusto pang masolo ni Bi­noe ang kanyang misis  kung kaya ipinagpaliban nila ang pagkakaroon nila ng baby.

Aba, hindi na sila bumabata hah! Hindi naman pwe­deng silang dalawa na lang forever and ever. Sooner or later, they will be wishing na may anak sila, so bakit hindi pa ngayon na bata pa sila at makakaya ang napakahirap  na trabaho na pagpapalaki ng anak.

vuukle comment

CONEY REYES

EAT BULAGA

EDDIE ILARDE AND BOBBY LEDESMA

PAOLO BALLESTEROS

PERO

ROBIN PADILLA

SHY

STUDENT CANTEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with