^

PSN Showbiz

TomCar movie sumemplang daw!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napaka-unfair naman ng nagsabing sumemplang sa takilya ang So It’s You nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Excited kasi si Mother Lily na gawin  na agad ang movie naman nina Derek Ramsay at Marian Rivera. Kung hindi kumita ang SIY, palagay n’yo ba susundan niya agad ito? Sabi nga ni Madera, plantsado na ‘yung mga susunod pang projects ng Kapatid actor sa Regal.

Rodjun ‘di tulad ni Rayver pagdating sa babae

Kumpara sa kapatid niyang si Rayver Cruz na ilang ulit nang nabalita sa magkakaibang babae na katulad nila ay mga artista rin, Rodjun Cruz has maintained his seven-year relationship with another showbiz personality. Pero sa kabila nang mahabang panahon nilang magkarelasyon, wala pang planong mag-asawa ang dalawa. Focused sila sa kanilang mga career, lalo na si Rodjun na kalilipat lamang sa GMA 7.

Walang reklamo si Rodjun sa kanyang pagtatrabaho sa GMA, dahil madali siyang tinanggap ng kanyang mga bagong makakasama. Mabait din sa kanya ang mga bossing dahil hindi naman siya nawawalan ng project. At malalaking projects ang nasasamahan niya. Nandun siya sa pinag-usapang My Husband’s Lover at ngayon nga, dito sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Isko kumakapit sa pangako ni Erap

Sana nga totoong susuportahan ni Mayor Erap ang kandidatura ni Vice Mayor Isko Moreno sa darating na 2016 elections. Balita kasing interesado rin sa pagka-mayor ng Maynila ang anak niyang si Sen. Jinggoy Estrada at ang presidential sister/TV host na si Kris Aquino. Matagal nang naninilbihan sa lungsod ng Maynila si Vice Mayor Isko at maganda na­man ang performance niya. Hindi naman ito li­ngid sa maraming taga-lungsod na baka matuliro sa rami nang mga kilalang personalidad na gustong su­mabak sa pulitika sa lung­sod.    

Inaasahan ni Vice Mayor Isko ang tulong ng kanyang sinusuporta­hang mayor ngayon, na si­yempre baka dahil tatakbo ang anak ay mas tumimbang ang dugo kaysa sa pangako. Pero kung saka-sakali, tila magiging maganda at kasabik-sabik ang magiging takbo ng pulitika sa Mayila sa 2016.

Sa Quezon City naman kaya ay tapusin pa ni Mayor Herbert Bautista ang isa pa niyang termino bilang mayor? After his much publicized short romance with a Manila mayor wannabe, madali na sa kanya ang i-promote ang kanyang sarili with the many things that he’s doing for his city. Mahihirapan ang sinumang makakalaban niya na balitang mga kilalang tao rin.

Daisy walang kontra sa relasyon ng anak kay Willie

Kung ako si Willie Revillame, magdadalawang isip ako bago ko saktan ang damdamin ni Danita Paner, ang sinasabing bagong karelasyon nito ngayon. Andyan kasi ang ina ni Danita na si Daisy Romualdez na handang ipakipaglaban ang kanyang mga anak sa sinumang mga manloloko rito o magpapasama ng kanilang loob. Matagal nang magkaibigan ang dating Sampaguita actress at ang nagbabakasyong TV host kaya marahil hindi na lingid  sa TV host ang pagiging girera ng ina pagdating sa kanyang mga anak. Lalo na kay Danita na inalis nga nito ng TV5 dahil hindi raw nabibigyan ng assignment.

Daisy and Danita have yet to confirm the romance, pero ngayon pa lamang ay nagbababala na ang beteranang artista na huwag lolokohin ng mas nakatatandang host sa TV ang kanyang anak kundi ay magkakasira sila kundi man magkasakitan ng pisikal.

Sam pinag-aagawan ng mag-best friend

Sina Sam Concepcion, Sue Ramirez, at Eliza Pineda ang bibida ngayong Sabado (May 31) sa kakaibang love story na tampok sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN. Gaganap sina Sue at Eliza bilang mag-best friends na sina Susan at Cecile. Magkakalamat ang samahan dahil sa binatang si Rope (gagampanan ni Sam), ang ex-boyfriend ni Cecile na naging manliligaw na ni Susan. May tsansa pa bang lumalim ang pag-iibigang may nasasaktang iba?

Tampok din sa episode sina Eunice Lagusad, Shirley Fuentes, Arnold Reyes, Angeli Gonzales, Alec Dungo, Annika Gonzales, EJ Jallorino, Joyce So, at Karen Reyes. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol.

vuukle comment

ALEC DUNGO

ANGELI GONZALES

MAYOR

RODJUN

VICE MAYOR ISKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with