^

PSN Showbiz

Max at Dion masaya nang magkita

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkikita na nga muli sina Esperanza (Max Collins) at Dencio (Dion Ignacio). Masaya ang dalawa sa muli nilang pagkikita. Habang pauwi sila lulan ng kotse ni Esper (Max), biglang tutunog ang music box na nasa likod ng kot­se. Sisigaw si Jinggay dahil makikita niya ang isang babaeng katabi niya sa likod. Makikita naman ni Dencio si Alejandra (Gwen Zamora) mula sa rear view mirror at dahil doon matataranta si Dencio. Mababangga sila sa isang puno. Duguan ang ulo ni Esper ngunit magkakamalay agad siya. Sa pagkakataong ito, nakasapi na sa katawan ni Esperanza si Alejandra!

Masasabi naman ni Edwin (Luis Alan­dy) kay Luke na sa kabila nang lahat mahal pa rin niya si Esper at gusto niyang magkabalikan sila. Tutol naman si Lloyd  (Michael de Mesa) sa desis­yon ng anak at maging si Gina (Jackie Rice) ay ayaw sa nais ni Edwin. Kahit anong pilit niyang akitin ang binata, hinding-hindi pa rin niya nakukuha ang puso ni Edwin.

Makakabalik sa bahay na ligtas sina Esper, Dencio, at Jinggay. Ayaw magpa-ospital ng dalaga. Kakausapin naman ni Esper si Belen na kailangan makausap niya sa lalong ma­daling panahon si Arnaldo. Maririnig ni Jinggay ang pagbanggit ni Esper sa pangalan ni Arnaldo at magtatanong ang bata tungkol dito. Papagalitan ni Esper si Jinggay. Mapagsasabihan ni Belen si Alejandra na nasa katawan ni Esper, na marami siyang dapat baguhin kung gusto niyang maging si Esper sa paningin ng lahat ng tao. Kaya hihi­nging tawad si Esper sa bata.

Hindi naman matatanggap ni Gina ang pagbabalik ni Esper sa bahay nila kaya mauuwi sa sampalan at sabunutan ang da­lawa dahil palaban ang Esper na kaharap ni Gina. Hindi makakapayag si Alejandra na may pipigil pa sa mga plano niya lalo na si Gina. Kaya makikipagkita si Esper kay Edwin at haharapin niya ang binata. Magtagumpay na kaya si Alejandra sa mga bago niyang binabalak?

Lalong nagiging exciting ang ku­wento ng Innamorata na na­­papanood tuwing hapon sa GMA 7.

 

vuukle comment

ALEJANDRA

ARNALDO

BELEN

DENCIO

EDWIN

ESPER

GINA

JINGGAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with