^

PSN Showbiz

Jodi asawa na kung ituring ni Jolo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pilipino Star Ngayon

Nakatanggap daw ng espesyal na regalo si Jodi Sta. Maria mula sa kanyang mga mahal sa buhay noong Mother’s day. Nagkasakit daw noon ang aktres kaya hindi rin nakapagdiwang sa labas.

“I got flowers, I got drawings from Thirdy, some gifts from my friends. ‘Yung mga taong bumisita sa bahay, sila rin ang nagbigay ng regalo. May mga nagbigay din ng prutas,” kuwento ni Jodi.

Samantala, para sa aktres ay hindi raw sila nagmamadali ng kasintahang si Jolo Revilla na lumagay na sa tahimik.

“Not really. Actually, may mga nagtanong na rin at nasagot ko na, na kung ano’ng me­ron kami, we are taking it slow. Hindi naman talaga lumagay sa tahimik, alam mo ‘yun, mas mag-lie low sa trabaho para mas maka-focus din kay Thirdy,” paliwanag ni Jodi.

Masayang-masaya raw ang aktres sa relasyon nila ni Jolo lalo pa’t isang may-bahay na raw ang trato ng bise gobernador kay Jodi.

“It feels good to be welcomed naman talaga sa isang family ‘di ba and siyempre ‘yung pagtrato, sino ba namang babae ang hindi gugustuhin na maayos ang pagtrato sa kanya ng isang lalaki,” nakangiting pahayag ni Jodi. Nagbigay din ng reaksyon ang aktres tungkol sa isyung nagkahiwalay na diumano ang dating asawa nitong si Pampi Lacson at kasintahang si Iwa Moto.

“Wala ako sa posisyon para mag-meddle sa business ng ibang tao. Kung ano man ang meron sa kanila basta I wish them luck,” pagtatapos ng aktres.    

Relasyon nina Andi at Jake, consistent na on and off

Patuloy pa rin ang bulung-bulungan tungkol sa diumano’y espesyal na namamagitan kina Tom Taus at Andi Eigenmann. Ayon kay Andi ay malapit sila ni Tom sa isa’t isa dahil matagal na silang magkakilala.

“We’ve known each other since we were kids. Nag-hangout kami, we were reunited as friends. Nagkataon lang ‘yun. It’s not that nangyayari siya regularly. Nagkataon lang ‘yun kasi sa events nagkikita kami. I’m busy din, I don’t really have time to go out or hangout with my friends,” bungad ni Andi.

Samantala, kamakailan ay napabalitang hiwalay na sina Andi at ang sinasabing espesyal sa puso nitong si Jake Ejercito ngunit nakikita pa ring magkasama ang dalawa.

“I think with Jake, what you see is what you get na lang. Follow n’yo na lang kami pareho sa Instagram. Tapos doon n’yo makikita kung ano ang nangyayari sa amin,” makahulugang pahayag ng aktres. Ilang taon na ring nauugnay sina Andi at Jake at mula noon ay masasabing on and off ang relasyon ng dalawa.

“I was never really able to give a definite answer. But ‘yun nga I’ve always been open sa Instagram, sa Twitter. Nakikita n’yo naman kung ano ‘yung nangyayari. Hindi naman puwede na smooth lang forever, masaya lang kayo, may mga obstacle din ‘yan,” giit pa niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

INSTAGRAM

IWA MOTO

JAKE EJERCITO

JODI

JODI STA

JOLO REVILLA

NAGKATAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with