^

PSN Showbiz

Kris sinupalpal sa sinabing mas kumita ang pelikula ni Bimby kesa sa Spiderman!; Geneva Cruz handang-handa nang manganak; San Chai may baby na!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Ang  television news tungkol sa mga left-wing group na ipinoprotesta ang pagbisita ni U.S. President Barack Obama sa Pilipinas. Noong nanalanta  ang Typhoon Yolanda sa Pilipinas, ang mga Amerikano ang unang tumulong sa mga Pilipino pero walang narinig na pagpapasalamat at protesta mula sa mga leftist.

SCENE : Babe ang tawag sa isa’t isa ni Sebastian Castro at ng ABS-CBN reporter na si Ryan Chua. Hindi na inililihim nina Sebastian at Ryan ang kanilang special friendship.

SEEN : Openly gay si Sebastian Castro at siya ang nag-post sa social media ng litrato nila ni Ryan Chua habang hinahalikan niya ang ABS-CBN news reporter.

SCENE : Handang-handa na si Geneva Cruz sa nalalapit na pagsisilang niya sa baby girl nila ng kanyang “third husband” na si Lee Paulsen. Nakatakdang magsilang sa susunod na buwan ang 38-year old singer/actress.

SEEN : Ang pagpalag ng PR expert na si Joyce Ramirez sa claim ni Kris Aquino na mas kumita  sa opening day ang pelikula ng kanyang anak na si Bimby Yap kesa Spiderman movie ni Andrew Garfield : “How inappropriate to tell Andrew Garfield that your son’s local movie made more money than Spiderman on opening day then ask for a photo? There is a clear difference between DOLLARS worldwide and PESOS local - NEVER tell a global star you’re greater or they will ban you in the next presscon DUH!”

SCENE : Dapat bigyan ng mga TV project ang former sexy actor na si Anton Bernardo dahil siya ang tumutulong sa kanyang ina na may karamdaman at regular ang dialysis procedure.

SEEN : Desperate ang favorite word ni Carla Abellana mula nang maghiwalay sila ni Geoff Eigenmann. Hindi raw siya desperate para maglasing dahil sa nangyari sa relasyon nila ni Geoff.

SCENE: Baby girl ang isinilang via caesarean section ng Meteor Garden star na si Barbie Hsu. Ipinanganak ni Barbie ang kanyang first child noong Huwebes sa isang  ospital sa Taipei.

 

vuukle comment

ANDREW GARFIELD

ANTON BERNARDO

BARBIE HSU

BIMBY YAP

CARLA ABELLANA

GENEVA CRUZ

RYAN CHUA

SEBASTIAN CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with