^

PSN Showbiz

Ryzza dinudumog kahit sa abroad

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Talagang hanggang sa show ng Eat Bulaga sa abroad ay si Ryzza Mae Dizon ang starliner, obvious na karapat-dapat lamang siya sa pagpapahalaga ng kanyang mga kasamahan, at deserved niya ‘yung naging regalong bahay at lupa sa kanya ni Bossing Vic Sotto.

But then, maski naman nung naririto pa ang bata ay talagang bonggacious na ang career nito. Saan ka ba naman makakakita ng isang wala pang 10 taong gulang, pero nakapagho-host na ng isang 30 minutong talk show? Si Ryzza lamang ‘yun na mukhang kapag tumuntong ng gulang na 10 ay isa nang ganap nang nagmemeari ng milyun-milyong piso. Congrats, bata!

Istasyon ng krus inilabas na sa mga simbahan

Habang lumilipas ang mga taon, mukhang humihirap ang pagbibisita iglesya ang mga Katoliko. Paano inalis na sa simbahan at inilagay na sa labas nito ang Station of the Cross. Okay lang ito sa mga bagets, kaya nilang maglakad ng malayo, pero paano na ‘yung senior citizens na tulad ng kaibigan ko at kasamahan dito sa PSN na si Veronica Samio na hirap maglakad dahil sa kanyang arthritis? Talagang penitensya na sa kanya  ang pagbuo ng Istasyon ng Krus. Buti na lang hindi umuulan kung Mahal na Araw. Sana lang daw, linisin ng mga kinauukulan ang mga lugar na kung saan nila inilalagay ‘yung mga Istasyon ng Krus. Kung hindi maiiwasan ang mababatong lugar, okay lang,  pero sana ‘yung malinis naman ang kapaligiran.

Happy Easter sa inyong lahat.

vuukle comment

ARAW

BOSSING VIC SOTTO

BUTI

HAPPY EASTER

ISTASYON

KRUS

SI RYZZA

STATION OF THE CROSS

VERONICA SAMIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with