Kris-Derek sinasadyang palutangin!
SCENE: Ngayong gabi ang misa at necrological service para kay Atty. Ching Vargas, ang ina ni Quezon City solon Alfred Vargas. Gaganapin ang misa sa Sta. Maria dela Strada Multi-Purpose Hall sa Katipunan Avenue, Quezon City.
SEEN : “Ho-hum†ang reaksyon ng publiko sa tsismis na dating sina Kris Aquino at Derek Ramsay na parang sinadya na palutangin ni Kris upang matabunan ang isyu sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Nag-deny na si Derek na siya ang mystery guy ni Kris.
SCENE: Walang reaksyon si Jasmine Curtis Smith sa mga isyu tungkol sa kanyang kapatid at boyfriend na si Sam Concepcion dahil nakatuon ang kanyang pansin sa shooting ng Dementia.
SEEN: Kagabi ang successful concert ni Lionel Richie sa Jakarta, Indonesia at bukas, April 5, ang live concert niya sa Smart Araneta Coliseum.
SCENE: Hindi gimik ang balita na nag-walk out si Cherie Gil sa taping ng Ikaw Lamang. Nanahimik si Cherie matapos mag-tweet ng “I rest my case†noong March 28.
SEEN: Ang report ng Box Office Mojo sa resulta ng mga pelikula na ipinalabas sa Philippine theater noong March 19 hanggang March 23.
- Latest