^

PSN Showbiz

Kylie mali ang sumbong kay Aljur kaya nagalit kay Geoff

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mabuti naman at nalalapit na ang pag-uwi ni Kylie Padilla mula sa kanyang bakasyon from Australia. Maka­klaro na niya ang isyu na naglalagay ng malaking gap sa boyfriend niyang si Aljur Abrenica at sa nakapareha niya sa huli niyang serye na si Geoff Eigenmann.

Balitang ang ginawa niyang pagsusumbong sa nob­­yo niya sa inaakala niyang pagporma sa kanya ng kapa­reha niya ang naging dahilan para mag-away ang da­lawa. Hindi naman ako makapaniwala na gagawa ng kuwento si Kylie para lamang mapag-away ang dalawa.

Hindi naman kaya naging over concerned si Geoff na napagkamalan lamang ni Kylie? Malalaman natin pag-uwi ni Kylie.

Kris Lawrence nagsalita na sa pagbubuntis uli ni Katrina

Sabi ni Kris Lawrence, not true na buntis uli si Katrina Halili. Kung sakali man na gusto nilang sundan ang panganay nila, baka next year, but not now na may nakatakdang serye si Katrina sa GMA 7.

Siguro kung nagpaplano na sila ng kanilang second child dapat sigurong mas unahin nila ang kanilang pagpapakasal.

Kadete na may pinagdadaanan puwede sa showbiz

Kung totoong may tipo si Aldrin Cudia, ang kadete na hindi pina-graduate sa military academy, then, by all means, hikayatin n’yong mag-artista na lang para makalimutan niya ang traumatic experience na pinagdaraanan niya ngayon.

Baka nga makatulong ang showbiz para gumaan ang pakiramdam niya ngayon.

 

vuukle comment

ALDRIN CUDIA

ALJUR ABRENICA

BALITANG

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

KYLIE PADILLA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with