^

PSN Showbiz

Kris binura ang picture ng pulitikong karelasyon?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kababalik lang nina Kris Aquino from Hong Kong kahapon at isa agad sa inasikaso ay ang meeting para sa birthday ni Bimby sa April 19. Eight years old na ang bagets sa birthday niya at ngayong ayos na sina Kris at James Yap, dumalo kaya si James sa birthday ng anak?

Nakalagay din sa schedule ni Kris this week ang Mister Donut at ang dating sa amin, TVC shoot ito for the donut dahil hanggang Friday ang schedule.

Isa sa mga isyu na gustong itanong kay Kris ay kung bakit niya dinelete sa kanyang Instagram ang picture nila ni Bataan Gov. Abet Garcia. Biglang nawala ang picture sa IG niya na naging sanhi ng sagutan ng ilan niyang followers.

Rocco haling na haling kay Lovi

Kundi mababago, sa March 24, ang storycon ng Ang Dalawang Mrs. Real  at Mar. 27 ang scheduled first taping day. Habang hindi pa nag­sisimulang mag-taping para sa bagong soap ng GMA-7, magi-guest muna si Lovi Poe sa Magpakailanman.

Wala pang balita kung kailan ang airing date ng guesting ni Lovi sa drama anthology to be directed by Maryo J. delos Reyes.

Samantala, ang sweet naman ni Rocco Nacino kay Lovi dahil nang magpunta sa Cebu si Lovi para sa isang GMA 7 event, pagdating niya ng hotel, may boquet of red roses na sumalubong sa kanya na sabi ni Lovi, galing sa “some sweet clown from Manila.” Sa card ng bouquet of flowers, tinawag si Lovi na “My gypsy” at may “Love you” pa.

Mga matatanda sa ABS-CBN nanganganib – Direk Ruel

Sa final presscon ng Annaliza at birthday treat kay Andrea Brillantes, nabanggit ni director Ruel Bayani na gusto ng ABS-CBN na paabutin hanggang katapusan ng taon ang takbo ng soap, pero siya na ang nagsabing ‘wag dahil mahirap at nagsa-suffer ang kanyang mga writer.

Binanggit din ni Direk Ruel na bilang Business Unit Head at kung saan, under sa kanya ang Annaliza, as early as November last year, nag-decide na silang tapusin ang soap this March. Kaya hanggang this week na lang ang Annaliza.

Nakakaloka ang sagot ni Direk Ruel sa tanong kung paano niya nasi­gurong makaka-deliver ang mga batang cast? Ang sagot nito, “Sa ABS, ang gagaling ng mga bata, ang matatanda ang nanga­nganib.” Ang des­cription pa nito sa ac­ting ng mga bata ay “pure at organic.”

Pekeng twitter ni Paulo pinatulan

Mabuti pala at hindi nag-react si LJ Reyes sa tweets ni Paulo Avelino tungkol sa anak nilang si Aki na hindi raw ipinapakita sa kanya. Sabi pa ng aktor, desperate na siyang makita ang anak at nasama pa ang yaya ng anak na umiyak daw at nagsumbong sa kanya na kinagalitan ni LJ ‘pag nakikipag-usap sa kanya.

Nalaman namin sa manager ni Paulo na si Leo Domiguez na na-hack ang Twitter account ni Paulo at deleted na rin ang controversial tweets ni Paulo. Kaya lang, na-post ito sa isang blog at patuloy ang pagko-comment ng readers.

Kasunod nito, nag-open ng Instagram account si Paulo at ang first post ay picture ni Aki at may caption na “First post goes out to Aki.”

Dedma pa rin si LJ at talo niya si Paulo dahil sa Instagram ng aktres, puno ng pictures ng anak na si Aki na kung anu-anong ginagawa. Kung nabibisita ni Paulo ang IG ng ex-partner, maiinggit siya sa bonding time nito at kanilang anak.

Jeric at Jeron kasama na sa Aswang

Kasama sa cast ng Kubot: The Aswang Chro­nicles 2 ang magkapatid na sina Jeric at Jeron Teng, pero sa storycon noong isang araw si Jeron lang ang nakapunta. Siya lang ang nakita namin sa picture kasama nina Dingdong Dantes at Direk Erik Matti.

First movie ito ng magkapatid na sikat na basketball players at product endorsers, hindi pa lang namin alam kung ano ang role nila.

Si Isabelle Daza ang leading lady ni Dingdong sa Kubot na April na raw sisimulan ang shooting. Busy si Isabelle sa rami ng projects ha!

 

vuukle comment

ABET GARCIA

AKI

ANNALIZA

DIREK RUEL

INSTAGRAM

LOVI

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with