^

PSN Showbiz

Misteryosong pagkawala ng Malaysian Airlines, hindi malayong gawan ng pelikula

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

In fairness to me, wala akong jetlag sa ilang araw na pagbisita ko sa aking apo na si Kinsey sa Washington DC noong nakaraang linggo.

Kasi naman, sleeping beauty ang drama ko as in panay ang tulog ko. Lumalabas lang ako ng kuwarto para kumain ng breakfast, lunch, at dinner.

Namemorya ko na nga ang lahat ng mga news report tungkol sa misteryosong pagkawala ng Flight 370 ng Malaysian Airlines. Masyadong maraming twist ang mga kuwento ng paghahanap sa naglaho na eroplano pero mas pinaniniwalaan ko ang duda ni Papa Anderson Cooper ng CNN.

Huwag tayong magulat kung biglang magkaroon ng Hollywood movie na tungkol sa MH370 ang k­uwento. Marami ang sumusubaybay sa sudden disappearance ng eroplano dahil intrigang-intriga sila sa findings ng mga imbestigador.

Malamig pa ang weather sa Washington DC at katatapos lang ng snow storm. Mabuti na lang, hindi ko inabot ang snow storm or else, lalo akong nangatog sa lamig. Pero kahit paano naman ay nakapagbonding-ako ng apo kong si Kinsey.

Magkikita sana sa Washington DC ang anak ko na si Angel at ang friend niya na very close kay Vice Ganda. Hindi na natuloy ang kanilang pagkikita dahil bumalik agad sa Pilipinas ang friend ng anak ko nang malaman nito na nasangkot si Vice Ganda sa isang kontrobersya na wala silang kaalam-alam.

Nasa concert tour ang grupo ni Vice nang pumutok ang balitang may naghahabol sa best actor trophy ni Vice.

Krista titigil na sa pagbubuntis, babaeng wish natupad nang dumalaw sa Lourdes

Isisilang ni Krista Ranillo sa last week ng April ang third baby nila ng kanyang mister na si Niño Lim.

Kung si Krista ang tatanungin, magkakaroon na sila ng anak na babae ni Niño kaya okey lang sa kanya na huwag nang magbuntis dahil naka-qouta na sila.

Ang nalalapit na delivery ng kanilang baby girl ang katuparan ng dasal ni Krista nang magpunta sila ni Niño sa Our Lady of Lourdes Grotto noong 2013. Hiniling ni Krista kay Mama Mary na magkaroon sila ni Nino ng baby girl. Nang bumalik ang mag-asawa sa California, saka nalaman ni Krista na preggy  uli siya at ayon sa ultrasound test, baby girl ang ipinagbubuntis niya.

Milagro para kina Niño at Krista ang nangyari kaya Lourdes ang pinili nila na second name ng kanilang coming soon na baby girl.

Pamilya Gutierrez naglalayag na sa Malaysia

Nagsimula noong Linggo ang Asian cruise ng Gutierrez family sa Singapore at habang binabasa ninyo ito, nasa Malaysia na sila.

Mapapanood natin sa It Takes Gutz to be a  Gutierrez ang mga nakakalokang eksena sa Asian cruise ng mga Gutierrez.

 Hindi pa sinasabi ang exact airing date ng reality show na mapapanood sa E! pero baka magkaroon ng announcement sa pagbabalik ng mga Gutierrez sa Pilipinas sa darating na Sabado.

May bitbit si Ruffa na sariling make up artist sa cruise nila ng kanyang pamil­ya. May karapatan si Ruffa na magdala ng make up artist dahil co-producer siya ng kaabang-abang na reality show na mapapanood sa primetime slot ng E!

Naranasan ko na mag-Asian cruise dahil sa imbitasyon ni Keren Pascual. Nag-enjoy ako sa aming Asian cruise at hindi ako nakaramdam ng pagkabagot sa ilang araw na paninirahan namin sa loob ng barko.

    Ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino ang mga kasama ko noon sa Asian cruise at nagpunta rin kami sa Singapore at Phuket, T­hailand.

Ka-join namin noon sa Asian cruise si Zanjoe Marudo na model pa lamang noon kaya magkakilala na kami nang pumasok siya sa showbiz. Mabait, tahimik, at walang kayabang-yabang sa katawan si Zanjoe.

 

vuukle comment

CRUISE

IT TAKES GUTZ

KEREN PASCUAL

KINSEY

KRISTA

KRISTA RANILLO

LORNA TOLENTINO

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with