Kita ng 2013 MMFF halos umabot sa bilyones
Last March 5 ay formal na ni-launch ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ika-40 taon ng Metro Manila Film Film Festival (MMFF) sa pamumuno ng current chairman ng MMDA na si Atty. Francis Tolentino. Ito’y isinabay sa appreciation dinner para sa mga nagsipagwagi nung nakaraang MMFF. Ang event ay ginanap sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City at dinaluhan ng mga stalwart ng industriya. The event was hosted by Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND) president and June bride veteran actress na si Boots Anson-Roa, ang future Mrs. King Rodrigo.
Masayang ibinalita ni Chairman Tolentino na umabot ng halos isang bilyong piso ang kinita ng ika-39th MMFF na sumira sa past 38 years na record ng taunang film festival at umaasa ang kasalukuyang pinuno ng MMDA at MMFF na malalagpasan pa ang naitalang record ng darating na ika-40 na taon ng MMFF sa Disyembre.
Ang malungkot na balita, ang taong ito ang magiging final year ni Chairman Tolentino bilang pinuno ng MMDA at MMFF dahil babalikan niya ang paglilingkod sa local na pamahalaan sa Tagaytay City bilang alkalde. Pero bago niya iwan ang MMFF ay may legasiya siyang iiwan, ang pagpapatayo ng Metro Cinema sa loob ng MMDA Compound sa Makati City kung saan matatagpuan ang 122-seat theater na magiging bukas sa mga estudyante at historians at kung saan din matatagpuan ang library at archive ng MMFF sa loob ng 39 taon existence ng orgaÂnisasyon. Ang Metro Cinema ay magiging bukas sa publiko simula sa November.
Ang kinikita mula sa amusement tax collections during the festival ay iba’t ibang organisasyon ng industriya ang nakikinabang bilang beneficiaries tulad ng MOWELFUND, Film Academy of the Philippines (FAP), Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Film Development Council of the Philippines, at ang Optical Media Board na pinamumunuan ng aktor na si Ronnie Ricketts.
Sa kanyang tatlong taong pamumuno ng MMFF, hindi kaila sa lahat na nakakatanggap pa rin si Chairman Tolentino ng tuligsa at paninira galing sa ibang sector bagay na kanyang ikinalulungkot dahil wala naman daw siyang ibang intention kundi ang ikabubuti at ikauunlad ng MMFF and the industry in general.
Child Haus dinadagsa ng tulong
Sa kabila ng kanyang pagiging matagumpay na negosyante at pagpapaunlad sa industriya ng pagpapaganda, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang beauty czar na si Mother Ricky Reyes ay kilala rin sa kanyang pagiging pilantropo sa pamamagitan ng Ricky Reyes Foundation, Inc. kung saan nabuo sa ilalim ng foundation ang Child Haus, now celebrating its 10th year anniversary.
Ang Child Haus ay ang paboritong charity organization na patuloy na tinututukan at tinutulungan ng beauty guru. Ang Child Haus ay pansamantalang tirahan ng mga cancer-stricken children galing sa malalayong lugar na walang matuluyan habang ongoing ang kanilang treatment sa iba’t ibang government hospitals at isa na rito ang Philippine General Hospital.
Of course, hindi magiging posible ang pagpapatuloy ng Child Haus kung hindi na rin sa tulong na nagmumula sa iba’t ibang pribadong sector, voÂlunteers, at individual.
Si Hans Sy ng SM Development Corporation at ang Sy Family ang nag-donate ng permanenteng tahanan ng Child Haus na matatagpuan sa No. 19 Mapang-akit St., Barangay Pinyahan, Quezon City.
May volunteers na regular na nagtutungo sa Child Haus tulad ng mga teacher mula sa Miriam College na nagtuturo sa mga batang may sakit on their academics at iba nilang skills tulad ng pagsaÂyaw, pagkanta, at iba pa para sila’y malibang. Ang iba pang mga donor ay sina Korina Sanchez-RoÂxas, Cris Aquino ng Travelpros, volunteers mula sa UERM, UE, Salvation Army, Victory Christian Fellowship, at marami pang iba na ipinagpapasalamat ni Mother Ricky.
- Latest



















