^

PSN Showbiz

Dating aktres hindi na rin kinikilalang ina, kinumpirma ng anak, Rosanna lulong sa droga

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pinaghahandaan na ngayon ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang nalalapit na pilgrimage na sasalihan nila ni Cong. Lani Mercado kaya nagbabangko na ng taping si Sen. Bong ng ilang episodes para sa Kap’s Amazing Stories.

Bukas ay nasa episode 3 na ng Animal Superpowers (Extreme Survivors) ang mapapanood sa Kap’s Amazing Stories na tumatalakay tungkol sa huling grupo ng mga animal na may superpowers. 

PAK: Mangiyak-ngiyak ang character actress na si Mahal na nagsalita sa Startalk na ipinagtanggol ang karelasyon niyang si Aries dahil pagkatapos nilang lumabas sa Startalk nung nakaraang Linggo, kung anu-anong paninira ang lumabas sa social media kaya ayaw nang lumabas ng boyfriend at magpa-interview uli sa Startalk.

May nagsabi pang bading daw itong boyfriend ni Mahal kaya ang bulinggit artista ang sumagot at ipinagtanggol niya ito.

 â€œLalaking-lalaki nga siya kaya humarap nga siya, ba’t n’yo sasabihang bakla siya?” tili ni Mahal.

Kaya nagpahayag itong siya raw ang makakalaban ng kung sino man ang manlait sa kanyang boyfriend.

Nakiusap si Mahal na huwag na raw sana       silang siraan dahil mahal na mahal daw nila ang isa’t isa.

 â€œHuwag n’yo naman kaming ganunin ni A­ries…alam n’yong mahal ko ’yan. Ipaglalaban niya ako, ipinagtatanggol niya ako. Mahal niya ako talaga,” pahayag ni Mahal.

BOOM: Matindi ang pasabog na interview ni Lolit Solis sa bunsong anak ni Rosanna Roces na si Onyok.

Hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit ni Onyok sa kanyang ina kaya matindi ang mga pahayag nito na ewan ko kung kayang ilabas lahat.

Diretsong sinabi ni Onyok na hanggang ngayon ay lulong pa rin daw sa droga si Rosanna.

Base sa mga sagot ni Onyok, parang hindi na niya kinikilalang ina si Rosanna at sinabi nga niyang kung ano ang mangyari sa kanyang ina, ang kapatid niyang si Grace na lang daw ang bahala.

Ang isa sa ikinagalit ni Onyok, sinisiraan daw siya ng kanyang ina sa trabaho.

Muntik pa raw siyang nawalan ng trabaho dahil sa paninirang ginawa raw ni Rosanna.

Sinubukan din ng Startalk na pasagutin si Rosanna sa mga sinabi ng kanyang anak pero tumanggi ito dahil away pamilya raw iyon kaya ayaw daw muna niyang magsalita.

vuukle comment

AMAZING STORIES

ANIMAL SUPERPOWERS

BONG REVILLA

EXTREME SURVIVORS

MAHAL

ONYOK

ROSANNA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with