^

PSN Showbiz

Coco napi-pressure sa pagiging ‘hari’

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Surprisingly, walang masamang reaksiyon kay Coco Martin ’yung pagi­ging parang support lang sa tandem nila ni Kim Chiu ni Julia Montes.

“Wala naman sa akin na mamili ng kapareha. Desisyon ito ng mga boss namin sa network. Kung ano lang ang sabihin nila at kung sino ang ibigay nilang makakasama namin, ’yun ang ginagawa ko. At ’di naman support ang role ni Julia, mukhang makaka-triangle pa namin siya ni Kim at baka maging love square pa kami dahil kasama rin si Jake Cuenca.

“Aware rin ako na walang bida sa aming apat, ensemble acting ang gagawin namin, bida kaming lahat,” pagtatanggol pa ng aktor.

Inamin ni Coco na napi-pressure siya sa titulong Hari ng Teleserye.

“Pero tumataba naman ang puso ko. Dumating ako sa point na halos nagkakasakit na ako pero kahit bumibigay na ang katawan ko ay nakakarating pa rin ako sa trabaho. Kailangang pangatawanan ko ang trabaho ko dahil may mga nanonood,” sabi ng aktor na umaming nalulula sa rami ng malalaki at magagaling na artista na kasama nila sa Ikaw Lamang.

John Lloyd hindi pa makakatrabaho

Pag-aalala pa rin ang nararamdaman ng maraming tagasubaybay ni John Lloyd Cruz at maging ng ABS-CBN sa na­ging aksidente ng isa sa kanilang premyadong ar­tista sa shoot ng station ID ng kinabibilangan nilang network na ikinatigil pansamantala ng trabaho dahil naospital at tinahi ang kanyang nasugatang mukha nang sumemplang sa kanyang sinasasakyang motorbike.

Habang nagpapagaling ang aktor ay pansamantalang pinapalitan siya ng ilang Kapamilya actors tulad ni Piolo Pascual na siyang naging guest ng sitcom nung Linggo.

Pangako ng mga doktor ng aktor na makakabalik na ito sa susunod na taping pero binawi nila ang mga sinabi nila dahil marami pa raw dapat pagali­ngin sa aktor at kailangan din nito ang mahabang pahinga matapos ang kanyang aksidente.

Louise napingot ni Marian

Bagama’t unti-unti nang natatanggal ni Louise delos Reyes ang kanyang hiya dahil sa kanyang costume sa Kambal Sirena na maikubli ang kanyang katawan lalo na ang itaas na bahagi nito na natatakpan lamang ng silicon ang kanyang nipples, ngayon ay nasasanay na siyang gumalaw na parang naka-damit. “Pero kahit hindi ako ganun ka-comfortable, kailangang maintindihan nila na may limi­tations pa rin ako na parang ngayon lang ako nag­dadalaga at hindi naman talaga ako sanay na hu­marap sa kamera ng halos walang damit at sa harap pa ng maraming tao,” pagtatanggol ng aktres na hindi lamang ang role ng isang sirena ang ginagampanan kung hindi maging ang isa pang role na kakambal namang tao.

Hindi na siya nahihiyang maalala na minsan ay natanggal ang silicon na tumatakip sa kanyang boobs.

 â€œI’m very grateful to Ate Marian (Rivera, na gumanap na ring minsan ng role ng isang sirena) dahil binigyan niya ko ng pointers kung paano mapaghiwalay ang dalawang characters ko. Piningot nga niya ako nang minsan ay hindi ko ito nagawa,” kuwento niya.

 

vuukle comment

AKO

ATE MARIAN

IKAW LAMANG

JAKE CUENCA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JULIA MONTES

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with