Unang Hirit, 15 taon nang una sa serbisyo
MANILA, Philippines - Sa paggising sa umaga, iba kung “nauuna ka.†At, simula ngayong Lunes, March 3, mas gaganda ang gising sa mas pinasiksik at pinasayang Unang Hirit.
Sa ika-15 taon ng Unang Hirit, manatiling una sa balita sa tulong ng mga makabagong teknolohiya tulad ng Digital Media News Gathering. Sa pamamagitan nito, ihahatid sa mga manonood ng Unang Hirit news anchors ang malalaking balita mula mismo sa pinangyarihan nito sa loob at labas ng bansa.
Mas pinalawak din ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng IMReady. Ang Unang Hirit ang magiging kauna-unahang morning show sa bansa na gagamit ng mobile application na “Waze†para ihatid ang pinakasariwang traffic update kabilang ang mga aksidente, road repair, saradong kalsada, at alternatibong ruta.
May bagong tambayan din ang Unang Hirit barkada simula sa Lunes. Mas makulay at mas high-tech. May Social Media Hub kung saan babasahin ng hosts ang mga trending na pinag-uusapan sa Internet mula sa mga maiinit na isyu hanggang sa mga nakaka-intrigang chika.
At ngayong papasok na ang summer, ’di rin pahuhuli ang programa sa pakiki-fiesta sa iba’t ibang panig ng bansa. Samahan ang Unang Hirit na tumikim ng iba’t ibang putaheng ipinagmamalaki sa Luzon, Visayas, at Mindanao na siguradong magpapasigla at magpapasarap ng gising tuwing umaga!
Kaya makisaya, makitambay, at makibalita sa Unang Hirit — ang Pambansang Morning Show ng Pilipinas! Lunes hanggang Biyernes, alas-singko ng umaga, sa GMA.
- Latest





















