^

PSN Showbiz

Danny Javier nawawala sa APO

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakapanood ako ng tribute para sa APO Hiking Society. Nararapat lang bigyan ng parangal ang nasabing trio nina Danny Javier, Buboy Garovillo, at Jim Paredes.

Sa rami ba naman ng nagagandang komposis­yon o kanta na ambag nila sa industriya ng musika, lahat ay naniniwala na karapat-dapat lang sila sa anumang parangal na ipagkakaloob sa kanila. Nanghihinayang lang ako na ‘di ko nakita sa tribute si Danny. Only Jim and Buboy were there. Gusto ko pa naman siyang makita’t marinig muli.

Kris naghahanda na sa pulitika

Napapadalas yata ang bakasyon ng presidential sister na si Kris Aquino but then hindi naman niya napapabayaan ang work niya. Maganda pa rin ang takbo ng Kris TV na lately ay nakatuon sa pagkain.

Sa kabila ng pagiging maalam niya sa pagluluto, nagagawa pa rin ni Kris na ma-appreciate ang effort ng lahat ng mga chef na naggi-guest sa kanyang programa.

Okay na rin siya sa Aquino & Abunda Tonight. Mukhang pinag-aralan niya ang leksiyon niya. Naisip ko lang, paghahanda na ba ito sa pagpasok niya ng pulitika?

Erik at Angeline itinakda na

May katotohanan kaya ’yung pag-uugnay kina Erik Santos at Angeline Quinto? Baka naman sila talaga ang itinakda at ’di tulad ng marami na mukhang hindi kumporme sa relasyon, ako 100% kumporme.

After Rufa Mae Quinto, baka si Angeline na ang kukumpleto kay Erik. Walang masama, wala naman silang nasasagasaan, ’di ba?

ABUNDA TONIGHT

AFTER RUFA MAE QUINTO

ANGELINE QUINTO

BUBOY GAROVILLO

DANNY JAVIER

ERIK

ERIK SANTOS

HIKING SOCIETY

JIM PAREDES

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with