^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong, biyaheng Baguio para sa Panagbenga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bago matapos ang buwan ng pag-ibig, bibyahe pa-Baguio City ang Kapuso Primetime royalties at real-life sweethearts na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes upang pangunahan ang pakikisaya ng GMA Network sa Panagbenga Festival 2014.

Hatid ng GMA Regional TV ang back-to-back-to-back events  para sa taunang flower festival ng City of Pines ngayong Sa­bado, February 22, sa Rambakan Drive sa SM City Baguio. Sisi­mulan ito ng isang Kapuso Mall Show sa ganap na 3PM tampok ang lead stars ng pinakabagong afternoon drama series ng GMA—ang Innamorata na sina

Max Collins, kasama ang katambal niyang si Luis Alandy, at co-stars na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, at Dion Ignacio ay magpe-perform para mapasaya ang kanilang fans sa Baguio City. 

Pagsapit ng 5:00 PM, isang Kapuso Fans Day naman tampok ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes ang susunod. Makakasama ni Dindgong ang versatile actor na si Gabby Eigenmann bilang host. Bago ang show, nakatakdang bumisita si Dingdong sa Loakan Elementary School para sa isang outreach program kung saan mamamahagi siya ng school supplies sa indigent students dito.

At siyempre, isang Kapuso Night naman na pagbibidahan ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera at ni Alden Richards mula sa Carmela, Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw ang kukumpleto sa nasabing series of events. Sasamahan din sila ni James Wright na haharanahin naman ang au­dience sa pagkanta niya ng Carmela theme music na Sana’y Ikaw.

Kinabukasan, February 23, sasali sa makulay na taunang Pa­nag­­benga Grand Parade sina Marian at Alden sakay ng Kapuso Float simula 8AM. Isang live coverage ng Panagbenga Grand Parade ang mapapanood mula 7AM sa GMA TV Dagupan Channel 10.

Food trip sa GRR-TNT

Ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV ay isasama tayo ng Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa isang food trip.

Patitikimin kayo ni Mader Ricky ng mga putaheng ginagawa sa mga sariwang isda at lamang dagat na nakabubuti sa kalusugan.  Isasama niya tayo sa mga sikat na kainan na masarap na ang pagkai’y kaya pa ng bulsa ang presyo.

Karamihan sa ati’y mahilig sa dessert pagkatapos kumain.  Ha­­yaan ninyong isa-isahin ng beauty guru ang mga delisyosong pang­himagas na ito.

Sa Business 101  ay magtuturo on the air si RR kung paano magsimula, magpatakbo at maging matagumpay sa negosyong papasukan.

Marami ang pamilyar sa Youtube sensation na 143 at transgender sa MTV na si Kevin Balot.  Makikipagtsikahan sila sa show at tiyak na maaaliw kayo sa kanilang mga kuwento.

Guest din ang Sassy Girls na dati’y front act lang sa mga show pero ngayo’y lead performers na.

Ang GRR TNT ay handog ng ScriptoVision.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

BAGUIO CITY

CARMELA

CITY BAGUIO

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with