^

PSN Showbiz

Coco, may Kim na, may Sarah pa!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Worth it naman pala ang ipinaghintay ni Coco Martin dahil ma­ka­lipas ang medyo may kahabaan ding panahon na pamamahinga matapos magbabu sa ere ang Juan dela Cruz ay heto siya at may ginagawang bagong teleserye para sa Dreamscape unit ng ABS-CBN na pinamagatang Ikaw Lamang. Katambal  niya rito si Kim Chiu.

Bukod sa teleserye niya ay mayroon pa rin siyang gagawing movie, na ang kasama naman niya’t katambal ay ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Sa parehong proyekto, may kabang nararamdaman ang magaling na aktor dahil  si Kim ay parang inaagaw niya sa ka-loveteam nitong si Xian Lim samantalang nasanay siya sa indie film kaya med­yo may adjustment siyang dapat ga­win sa gaga­wing mainstream movie kahit nakagawa na siya dati pa. Nagkasama na sila ni Sarah nun sa Idol pero, hindi ito nagtagal sa ere kaya parang magsisimula silang muli. Pero nangako si Coco sa lahat ng tagasubaybay ni Sarah na aalagaan niya itong mabuti.

Max Collins sinuwerte sa skin desease

Napaka-suwerte ni Max Collins dahil pinagkatiwalaan siya ng GMA ng isang serye na bida siya.  Ito ang Innamorata, isang Italian word na nangangahulugan ng beloved. Isa itong dramatic at mystifying story na nagbibigay pag-asa sa mga kababaihan na sa kabila ng kanilang mga  takot, kawalan ng tiwala sa kanilang mga sarili at struggles ay merong isang pag-ibig na nakalaan sa kanila na magpapaganda ng kanilang buhay.

May karamdaman ang ka­rak­­ter na ginagampanan ni Max, isang hereditary skin disease, ang porphyria, na lumalala kapag naiinitan ng araw.

Optimistic si Max na magugustuhan ng mano­nood ang serye na lalabasan niya dahil may kakaiba itong istorya at matibay ang bumubuo ng cast nito - Luis Alandy, Pinky Amador,  Michael de Mesa, Jackie Rice, Leandro Baldemor,  Juan Rodrigo, Gwen Zamora, Rap Fernandez, Rita Avila, Dion Ignacio. Magaling din ang director ng serye na si Don Michael Perez.

Rap hindi masyadong interesado sa pag-aaksiyon

Okay na kay Rap Fernandez na lumabas sa mga madramang serye. Wala sa aksyon ang tipo niyang proyekto, hindi niya ito namana sa kanyang ama. Okay din sa kanya ang magsimula bilang suporta, katulad ng ginagampanan niya sa Innamorata, na magsisimula na sa Pebrero 17. Katuwiran niya ay mga pitong taon ding naging suporta ang kanyang amang si Rudy Fernandez bago ito naging bida. Okay sa kanya na maghintay ng ganun din katagal.

vuukle comment

COCO MARTIN

DION IGNACIO

DON MICHAEL PEREZ

GWEN ZAMORA

IKAW LAMANG

MAX COLLINS

NIYA

RAP FERNANDEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with