^

PSN Showbiz

Kris at Boy magsasanib-pwersa uli

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang higanteng tambalan ng Queen and King of Talk ng bansa ay nagbabalik sa pina­kabagong primetime show ng ABS-CBN, ang Aquino and Abunda Tonight.

Ang mga pinakamaiinit na kuwento at mga pinag-uusapang isyu araw-araw, mabilis na iha­hatid ng Talk Icons na sina Kris Aquino at Boy Abunda sa isang 15 minute-program na magtatampok ng mga showbiz at non-showbiz topics, human-interest stories, at mga usaping socio-political. Sa pamamagitan ng Aquino and Abunda Tonight, mabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at mas malinaw na kaalaman sa mga isyung posibleng makaapekto sa kanilang buhay.

Bukod sa mga pinakabagong ulat at mga eksklusibong detalyeng ihahatid ng progra­ma, magkakaroon din ng pagkakataon ang mga manonood na makibahagi sa mga ma­ka­bu­lu­hang diskusyon sa pamamagitan ng mga polls at social media surveys. Magkakaroon din ng mga live interviews sa mga kon­trobersiyal na personalidad at mga taong sangkot sa maiinit na isyu.

Ang mga walang takot na paglalahad, eks­klusibo at deretsahang mga panayam, dagdagan pa ng mga makabuluhang opinyon na siyang tatak nina Kris at Boy,  mapapanood  pagkatapos ng The Legal Wife simula sa Lunes, February 10.

Komedyanteng si Tado Jimenez nakasama sa mga namatay sa nahulog na bus

Kawawa naman ang komedyante na si Tado Jimenez na isa sa mga namatay sa nahulog na bus sa Mt. Province na galing ng Sampaloc, Manila.

Hindi man sumikat nang husto, nagkaroon naman ng pagkakataon na naging visible siya sa mga comedy show.

Papuntang Bontoc, Mt. Province ang bus na naaksidente na kumitil ng 14 na buhay at kasama nga ang ko­med­yante.

Deniece maraming ‘offer’ ng libreng tira sa condo

Wow ang sosyal ni Ms. Deniece Cornejo. Ang dami raw nag-o-offer ng libreng tira dito sa mga mamahaling condo.

Ito ay matapos ipiyok ng isang Malaysian national na nakitira lang si Ms. Cornejo sa kanyang condo unit ng libre kung saan nangyari ang pambubugbog kay Vhong Navarro.

Kaya ngayon ‘yun daw mga mayayamang may mga spare condo sa may area ng Makati, nag-o-offer raw sa unit nila kay Ms. Cornejo, ‘di raw nila sisingilin.

Hahaha. Ang husay talaga. Naisip agad nila ‘yun ha.

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BOY ABUNDA

KRIS AQUINO

LEGAL WIFE

MS. CORNEJO

MT. PROVINCE

SHY

TADO JIMENEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with