Boy at Kris balik sa isang show!
Pinoste ni Kris Aquino sa Instagram (IG) ang sagot ni Ryzza Mae Dizon sa mala-slum book na tanong sa kanya. Tuwang-tuwa si Kris sa “Tita Kris†na sagot ni Ryzza Mae sa tanong na “What is love?â€
Sa tanong kung “Who is your first crush?†sagot ni Ryzza “secret.†Pero sa tanong na “Where did you meet?†Sa My Little Bossings ang sagot ng bagets.
Hula ng followers ni Kris, si Bimby Yap, Jr. ang tinutukoy ni Ryzza. Hahaha! Buking ang bata!
Samantala, sa Feb. 10, Monday ang pilot ng daily show nina Kris at Boy Abunda na Aquino and Abunda Tonight.
Also, this Monday, aalis sina Kris at staff ng Kris TV para mag-taping sa nabanggit na show.
Reyna ng showbiz panay ang nood sa Carmela
Nakita namin sa isang binyagan si Agot Isidro at tinawag namin siyang “Amanda†pangalan niya sa Carmela. Biniro namin ang aktres na dahil sa ganda niya, nabighani niya sina Ricky Davao at Roi Vinzon sa primetime soap ng GMA 7.
Buwelta ni Agot, mas maganda ang anak niya sa Carmela na ginagampanan ni Marian Rivera at siya raw ay ang nabilad na version nito. Naalala namin ang caption nito sa pinoste na picture nila ni Marian sa Instagram na “With the gorgeous@therealmaÂrian. Ang hirap katabi nito. Buti na lang maganda ang gown ko.â€
Ikinatuwa ni Agot ang nalaman na isa sa mga itiÂnuturing na reyna ng showbiz ang nagsabi sa kanya na pinapanood niya ang Carmela at nagugustuhan niya. May kasamang kilig ang tuwa ni Agot dahil taga-kabilang network ang tinutukoy naming isa sa mga reyna ng showbiz.
Joross ikakasal na!
Marami ang itinanong kay Joross Gamboa sa presscon ng Starting Over Again, ang Star CineÂma movie na showing sa Feb. 12. Ipinahayag nito ang tuwa na kasama siya sa rom-com movie sa direction ni Olive Lamasan.
Gusto raw niyang mag-apprentice kay Direk Olive kung papayag ito, gusto niyang mag-work off cam bilang paghahanda sa dream na maging director in the future. Challenge sa kanya na mabait ang role na ibinigay ng kanilang director at inaming natakot siya at inisip kung paano mahuhuli ang kiliti nito.
Favorite ng Star Cinema si Joross dahil halos lahat ng pelikula ng kompanya ay nasa cast siya at mas memorable sa kanya ang Starting Over Again dahil kay Direk Olive at dahil sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ang mga bida. Idagdag pa si Iza Calzado na crush niya at lume-level daw ito sa kaÂgwapuhan ni Piolo.
Ang hindi naitanong kay Joross sa Q&A ay ang tungkol sa kanyang love life. Nalaman naming ikaÂkasal na pala ito sa November sa matagal na niyang girlfriend at ngayon ay fiancée.Tinapos lang ni Joross ang pag-aaral at mag-aasawa at tuloy pa rin ang pag-aartista.
Jackie Rice sinunggaban ang kontrabida role
Pumayag si Jackie Rice na magkontrabida kay Max Collins. Mas nauna siyang nagbida kay Max pero kontrabida siya sa bago niyang show at sobrang bad daw ang karakter nito.
Sabi ni Jackie sa isang interview, seven months siyang walang soap at okay sa kanya bida o kontrabida man ang role niya. Pinaghahandaan na raw niya ang karakter ni Gina na evil mula sa start at enÂding ng soap to pilot on Feb. 17.
- Latest

























