^

PSN Showbiz

?Who Wants to be a Millionaire contestant, gustong itaya ang napanalunang P1M sa P2M

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng nakakakaba at emosyonal na episode ng Who Wants to be a Millionaire noong nakaraang linggo, kung saan nasubaybayan natin ang 37 anyos na dating guro na si Jomar Mendoza na gamitin ang lahat ng kanyang lifeline para makaabot at masagot ng tama ang P1 million question, mapapanood na ang susunod na inaabangang parte ng game show—ang P2 million round!

Masasagot kaya ito ni Jomar ng tama para maging first P2 million winner ng programa ngayong 2014? Masisilayan ba kaya muli ang tapang na ipinakita ni Jomar noong nakaraang Linggo ngayong susubukan na niyang maging pang-apat na grand prize winner sa buong 11 seasons ng programa sa TV5? O aatras ba siya sa challenge at kukunin ang P1 million check mula kay Bossing Vic Sotto?

 Mapapanood din sa Who Wants to be a Millionaire episode ngayong Linggo ang isa sa mga bida sa nalalapit na primetime teleserye ng TV5, ang Obsession—ang aktres at host na si Bianca King! Sa pinakauna niyang pagkakataong sumabak sa hot seat, susubukan rin niyang maiuwi ang P2 million grand prize para sa kanyang napiling charity.

 Tumutok ngayong Linggo, Enero 19 sa TV5, pagkatapos ng bakbakan sa PBA games, para malaman kung ano ang magiging final answer ng mga contestant sa Who Wants to be a Millionaire!

 

vuukle comment

BIANCA KING

BOSSING VIC SOTTO

ENERO

JOMAR

JOMAR MENDOZA

LINGGO

MAPAPANOOD

MASASAGOT

MASISILAYAN

WHO WANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with