^

PSN Showbiz

KC hindi pa nakaka-move on kay Rhian!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kuwela ang guesting ng cast ng Pepito Manaloto sa Startalk nung nakaraang Sabado.

Si Nova Villa ang hindi napiga nang husto nang tinanong tungkol sa pakikipagrelasyon ng kapatid niyang si Tiya Pusit sa isang mas batang binata.

“Buhay niya ‘yun, hindi ako nakikialam,” tipid niyang sagot.

Nang hiningan si Nova ng mensahe para kay Tiya Pusit, “Kaya mo ‘yan,” ‘yun lang ang sagot niya.

Ayaw talaga magsalita ni Nova dahil hindi raw kasundo ang kanyang kapatid.

Pero tahimik lang si Nova at ayaw na lang niya maintriga.

PAK: Pagkatapos mag-break nina KC Montero at Rhian Ramos, kaagad na umalis pa-Amerika ang una kasama ang kapatid niyang si Troy Montero dahil sobrang apektado raw ito sa breakup nila ng Kapuso actress.

Sabi naman ng aktres, mutual decision daw nila ang tapusin na ang kanilang relasyon at magka­ibigan pa rin naman daw sila.

Mukhang nakapag-move on na nga si Rhian at parang hindi na ito apektado. Pero si KC daw ay hindi pa talaga okay kaya sa Amerika raw muna ito at hindi pa niya alam kung kailan siya babalik.

Pero may post si Rhian sa kanyang Insta­gram account na magkasama sila ni KC sa litrato. Hindi lang kami tiyak kung luma na ‘yun o bago lang nakunan

BOOM: Kaagad na tinanggal ni Dennis Trillo ang ipinoste sa kanyang Twitter account tungkol sa wish niyang sana mga bagong kuwen­to na ang mga drama series na mapapanood sa TV.

Tweet nito: “2014 na! Sawa na ang tao sa mga lumang concepto at napanood nang mga kuwento. Wala namang masama kung mag-iisip ng bago ‘di ba?”

Ayaw na lang niyang maintriga pang may pinatututsadahan siya, kaya tinanggal din niya agad.

Ang pagkaintindi naman namin, in general lang na nasabi niyang iyon para mga bago ang mapapanood sa TV kagaya ng hit na hit niyang My Husband’s Lover.

                                                     

vuukle comment

AMERIKA

AYAW

DENNIS TRILLO

LANG

MY HUSBAND

PERO

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with